Trending: RiteMED-Brillante Mendoza Nagbigay-Pugay Sa Mga 'Carers'
October 12, 2016
Sa usaping sakit, ang atensyon ng lahat ay karaniwang naka sentro sa maysakit. Ang mga nag-aalaga ay kadalasang hindi napagtutuunan ng pansin at napapahalagahan.
Ang RiteMED, ang pangunahing branded generics sa bansa at taga-sulong ng "right to health" ng mga Pilipino, ay batid ang mga sakripisyo at dedikasyon ng mga nag-aalaga sa mga maysakit. Kaya naman, kinuha nito ang award-winning na direktor na si Brillante Mendoza para gumawa ng isang natatatanging tribute para sa mga 'carers.'
Ito ang "Pagpupugay”, isang madamdaming pagsasalarawan ng mga pagpupunyagi ng isang asawa, kapatid, magulang, anak, kapamilya o professional caregiver sa pag-aalaga nila ng may sakit.
Ayon kay Mendoza, ang naging hamon sa kanya ay maipamalas ng mga aktor ang mga tunay na emosyon na nararamdaman ng mga totoong nag-aalaga ng maysakit.
Naantig ang mga puso ng mga nakapanood ng dalawang-minutong obra ng Cannes Best Director awardee na si Mendoza. Ito ay mabilis na naging "trending" sa social media. Ito ay nag-register na ng mahigit na dalawang milyong views sa official Facebook page ng RiteMED (www.facebook.com/RiteMedOfficialPage). Naka-post rin ito sa official website ng RiteMED (www.ritemed.com.ph) at sa YouTube channel.
"Maganda ang istorya, kaya naman ang kinailangan ko na lang gawin ay maipakita ng mahusay ang mensahe. Kakaiba rin ito dahil unang pagkakataon ko na makagawa ng proyekto para sa mga carers o mga nag-aalaga sa mga maysakit. Espesyal rin ito dahil tungkol ito sa mga "unsung heroes" sa ating lipunan. Madalas ay nalilimutan natin ang kanilang mga sakripisyo. Ang pag-aalaga ng maysakit ay nakakapagod emotionally, physically, at psychologically,” ayon kay Mendoza.
Brillante Mendoza
Mapapanood sa "Pagpupugay" ang iba't ibang eksena na nagpapakita ng mga pagsubok na dinaranas ng isang miyembro ng pamilya o ng isang professional caregiver na nag-aalaga sa isang maysakit o pasyente—pisikal na pag-aaruga, pang-unawa at iba pa. Naipakita ni Mendoza ang mga emosyon sa kanyang kakaiba at hinahangaang istilo ng pag-didirek ng pelikula.
Naniniwala si RiteMED General Manager Vincent Guerrero na marami ang naka-relate sa "Pagpupugay" dahil, "Lahat tayo sa isang punto ng ating buhay ay naalagaan na at nag-alaga na rin."
Ang mensahe ng “Pagpupugay” ay di nalalayo sa kampanya ng RiteMED na “Tamang Alaga” dahil idinidiin nito na ang paggaling ng isang maysakit ay hindi lamang dahil sa mga doktor at mga gamot. Ito ay dahil din sa pagmamahal, pag-aasikaso at dedikasyon ng mga tao sa kanilang paligid—ang kanilang pamilya, kamag-anak, mga kaibigan o professional caregivers.
Vincent Patrick Guerrero, General Manager of RiteMED Philippines