Gamot sa Singaw | RiteMED

Gamot sa Singaw

December 20, 2018

Gamot sa Singaw

Ano ang singaw?

Ang apthous stomatitis o mas kilala bilang “singaw” ay maliit na ulser na karaniwang nasa dila, labi, gilagid, pisngi o kung minsan naman ay nasa lalamunan. Karamihan satin ay nakakaranas ng singaw, mas madalas nga lang sa kababaihan. Ang mga may edad na 55 pataas naman ay bihira na makaranas nito.

Sintomas ng Singaw

Paano mo nga ba malalaman kung ikaw ay mayroong singaw? Narito ang ilan sa mga sintomas:

  • Ang itsura nito ay bilog na mayroong puti o madilaw na laman at may nakapaikot na kulay pula na senyales ng pamamaga
  • Hindi ka makakain nang maayos  dahil sa sakit at lumalalang hapdi dulot ng singaw sa gums
  • Ang hindi komportableng pagsasalita dahil sa singaw sa dila na minsan ay dahilan ng pagkabulol
  • Hindi makatulog kapag natatamaan ng singaw sa labi o pisngi
  • Nahihirapan kang lumunok at madalas ang paglalaway

Bakit nagkakaroon ng singaw?

Narito ang ilan sa mga simple at posibleng maging dahilan ng pagkakaroon nito:

  • Pagkatusok ng tinik ng isda o matatalas na ngipin
  • Pagkagat sa sariling dila o labi
  • Kapag nadali ng brace sa ngipin o mali ang pagkakalagay ng pustiso
  • Madiin o marahas na pagsisipilyo
  • Pagkapaso mula sa mainit na inumin o tubig
  • Pagbabago ng klima at temperatura
  • Matinding stress , ang sobrang pagaalala o anxiety at malubhang pagpupuyat
  • Biglaang weight-loss o pagbaba ng timbang

May mga nakaka-trigger din ng singaw na mahirap kontrolin at iwasan tulad ng:

  • Hormonal changes tuwing may menstrual cycle o kapag may pinagbubuntis
  • Ang pag-inom ng gamot tulad ng nonsteroidal anti-inflammatory drugs o NSAIDs (halimbawa ay aspirin), beta-blocker o gamot na nakakapagpabagal ng heart rate, nicorandil o gamot sa angina
  • Food Allergy (depende sa tao)
  • Ang paggamit ng toothpaste o mouthwash na may chemical additive na Sodium Lauryl Sulfate (SLS)

Iba’t ibang klase ng singaw

Ang singaw ay isa sa tinuturing na natural na nangyayari sa  katawan ng tao. Minsan, kahit walang gamot, kusang nawawala ito pagkatapos ng isa o dalawang linggo. Kapag ito ay nawala agad, tinatawag ito na simpleng singaw. Kapag ito naman ay hindi naghilom at lumagpas ng dalawang linggo, tinuturing na itong komplikadong singaw.

Bukod sa mga sintomas na nabanggit, maaaring i-katergorya ang singaw na komplikado kapag ito ay nasabayan na ng:

  • Pagbagal ng paggalaw ng katawan
  • Pagkakaroon ng lagnat o trangkaso
  • Pamamaga ng kulani
  • Paghina ng immune system o kakulangan sa vitamin C.
  • Problemang dulot ng kakulangan sa nutrisyon tulad ng bitaminang B-12, Zinc, Folic Acid, o Iron.
  • Problema sa gastrointestinal o digestive system tulad ng Celiac disease at Crohn’s disease.
    • Ang Celiac disease ay digestive disorder na nararanasan sa maliit na bituka.
    • Ang mga taong may Crohn’s disease (uri ng inflammatory bowel disease) naman ay nakakaranas ng pamamaga mula bibig hanggang sa may puwit. Kapag napabayaan ay maaaring magdulot ng abdominal pain, severe diarrhea, weight-loss, at malnutrition.
  • Pabalik-balik na singaw na maaring sintomas ng human immunodeficency virus o HIV

Bagama’t gumagaling agad ang mga simpleng singaw, may ilang home remedy for singaw din upang mapabilis ang paghilom nito. Heto ang ilan sa mga tamang gamot sa singaw.

  • Isa sa pinakamura at pinakamadaling solusyon ay ang pagmumog ng tubig na na hinaluan ng ¼ hanggang ½ kutsaritang asin sa loob ng sampu hanggang labing limang segundo. Maaari gawin ang pagmumog ng kahit ilang beses sa loob ng isang araw.
  • Hinay-hinay sa mga pagkaing maaasim o acidic, maaalat at maaanghang tulad ng chichiria. Maaaring kumain muna ng mga pagkaing magaan sa tiyan gaya ng lugaw.

 

  • Gumamit ng toothbrush na may malambot na bristles. Dahan-dahang magsipilyo. Gumamit ng mouthwash o toothpaste na walang kemikal na SLS.
  • Magmumog ng apple cider vinegar na pumapatay ng mikrobyong nasa singaw
  • Bukod sa apple cider at asin, pwede ring imumog ang baking soda na nakakapagpabalik ng ph balance at nakakatanggal ng maga sa singaw
  • Dalasan ang paginom ng maraming tubig at panatilihing maging hydrated
  • Huwag hawakan ang singaw lalo na kung marumi ang kamay
  • Kumain ng probiotic at cultured na yogurt. Naglalaman ang yogurt ng good bacteria na siyang nakakapagpabuti sa ating digestive system at nagiging medicine for singaw.
  • Subukang ibabad sa singaw o uminom ng Chamomile Tea upang mapabilis ang paghilom ng singaw. Ang Chamomile ay madalas iniinom bago matulog at nagtataglay ng anti-septic chemicals na nakakapagparelax at nakakatulong sa digestion.

Mga sintomas na kailangan mong nang magpatingin sa doktor

undefined

Photo by Peter Kasprzyk on Unsplash

  • Kapag ang singaw ay pabalik-balik ng mahigit tatlong linggo
  • Hindi na makalunok nang maayos sa sobrang sakit
  • Kumalat sa buong bibig ang iyong singaw
  • Lumaki ang infected area ng singaw
  • Nilalagnat at namamaga na ang iyong mukha
  • Kung nananatiling matindi ang pananakit kahit gumamit ka na ng ilang home remedies.

Ngayong alam mo na ang mga sintomas at gamot sa singaw, importanteng pakatandaan na huwag ipasambahala ang ating nararamdaman araw-araw. Ang akala nating simpleng singaw, kapag hindi nagamot agad, ay maaaring magresulta sa ibang komplikadong sakit. Huwag mahiyang magtanong sa doktor upang maiwasan o maagapan ang pagkakaroon ng problema sa kalusugan.

References:

https://www.nhs.uk/conditions/mouth-ulcers/

https://news.abs-cbn.com/life/08/20/17/pabalik-balik-na-singaw-maaaring-sintomas-ng-hiv

https://www.webmd.com/oral-health/guide/canker-sores#1

https://www.drstevenlin.com/11-natural-home-remedies-for-canker-sores/



What do you think of this article?