Allergy o Covid-19? Mga Sintomas na Dapat Malaman
September 9, 2021
Ngayong panahon ng pandemya, mahalaga sa prevention of Covid 19 ang pag iisolate o pag quaquarantine ng mga taong nakakaranas ng mga sintomas nito. Ngunit mahirap para sa marami na matukoy kung ang kanilang mga nararanasan ay sintomas ng covid o ito ay mga allergy symptoms lamang.
Ikaw man ay nabakunahan na ng covid 19 vaccine o hindi pa, mabuting malaman kung ano nga ba ang pagkakapareho at pagkakaiba ng sintomas ng seasonal allergies sa sintomas ng covid 19.
Ang pag alam ng mga sintomas ay isang hakbang sa covid 19 prevention. Kapag maagang natukoy ang tunay na kondisyon, agad na makakapag isolate ang taong may sakit para maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng covid 19 Philippines.
Mga madalas na allergy symptoms
Di tulad ng covid 19, ang seasonal allergies ay hindi dulot ng virus. Ito ay dulot ng reaksyon ng immune system kapag na expose ang katawan sa mga allergens tulad ng pollens at alikabok.
Ilan sa mga karaniwang sintomas ng seasonal allergies ang:
- Sipon
- Hindi mapigilang pagbahing
- Pagluluha at makating mata
- Nasal congestion o baradong ilong
- Ubo (Dry cough)
Ang mga allergies symptoms na ito ay may pagkakapareho sa mga sintomas ng covid 19. Ngunit, ang seasonal allergies, tulad ng iba pang uri ng allergies, ay hindi nagdudulot ng lagnat kahit pa ito ay tinatawag din na “hay fever”.
Karaniwang sintomas ng Covid 19
Ang mga sumusunod naman mga karaniwang sintomas ng covid 19:
- Lagnat
- Panginginig
- Ubo (Dry cough)
- Sipon (Runny nose)
- Pamamaga ng lalamunan
- Masakit na kasukasuan at muscles
- Pagkawala ng pang amoy o panlasa
- Pagkahilo at pagsusuka
- Pagtatae
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-day-home-asian-man-has-1627272346
Pagkakapareho at pagkakaiba ng covid 19 at allergy symptoms
Ang ubo, hirap sa paghinga, pagkapagod, sakit ng ulo, at sipon ay mga sintomas na maaaring maranasan ng taong may covid at ng taong may seasonal allergies. Kailangan mo na bang magpa swab test agad o pwedeng uminom lamang ng allergy medicine? Alamin ang pagkakaiba ng mga sintomas para matukoy kung ito ay covid o allergies.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng Covid tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka at pagtatae, mainam na kumunsulta agad sa doktor. Ito ay posibleng dahil sa Covid virus sapagkat ang allergies ay hindi nagdudulot ng mga sintomas na ito.
Kung nakakaranas ng mga sintomas ng seasonal allergies, huwag agad mabahala. Obserbahang mabuti ang sarili at mag abang ng iba pang sintomas. Uminom din ng anti-allergy medicines at palakasin ang immune system. Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga sintomas mo, kumunsulta agad sa doktor para mabigyan ng wastong treatment.
Sources:
https://www.webmd.com/lung/covid-allergies#1
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/need-extra-precautions/infographic-overlap-symptoms.html