Anong Exercise ang Pwede sa may High Blood?
September 9, 2021
Mahalaga ang ehersisyo para sa ating overall health. Ngunit paano kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo? Ligtas bang mag-ehersisyo ang taong diagnosed with hypertension? Maaapektuhan ba ng pag workout ang iniinom na gamot para sa kondisyong ito?
Sabay-sabay nating alamin ang mga sagot sa tulong ng article na ito mula sa Ritemed. Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang high blood pressure.
High blood pressure
Ang high blood pressure o hypertension ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan ang long-term force ng dugo na tumatama sa mga pader ng arteries ay masyadong mataas, na maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan, tulad ng sakit sa puso.
Ang blood pressure ay natutukoy sa dami ng dugo na pina-pump ng ating puso at sa bilang ng resistance sa blood flow sa ating mga ugat. Kapag mas maraming dugo na pina-pump ang ating puso at mas makitid ang ating mga ugat, mas mataas ang presyon ng dugo. Ang pagbabasa ng presyon ng dugo ay ibinibigay sa millimeter ng mercury (mm Hg). Mayroon itong dalawang numero:
- Numero sa itaas (systolic pressure) - sinusukat nito ang presyon sa ating mga ugat kapag tumibok ang ating puso.
- Numero sa ibaba (diastolic pressure) - sinusukat nito ang presyon ng ating mga ugat sa pagitan ng mga beats.
Hypertension Symptoms
Ang hypertension ay tinaguriang "silent killer" dahil karamihan sa mga taong mayroon nito ay walang kaalam-alam sa problema dahil maaaring wala itong mga palatandaan o sintomas. Dahil rito, mahalaga na magpa-regular check tayo ng presyon ng ating dugo.
Kapag lumalabas naman ang mga sintomas, ito'y maaaring kabilangan ng early morning headaches, nosebleeds, irregular heart rhythms, paglabo ng mata, at "buzzing" sa tenga. Ang severe hypertension ay maaari ring maging sanhi ng pagkapagod, pagduwal, pagsusuka, pagkalito, pagkabalisa, sakit sa dibdib, at panginginig ng kalamnan.
Ang tanging paraan upang malaman na may hypertension ang isang tao ay ang pagkakaroon ng isang health professional na sumusukat sa pressure ng dugo. Ang pagsukat blood measure ay mabilis at walang sakit. Bagaman kaya nating masukat ang ating sariling blood pressure gamit ang mga awtomatikong aparato, ang pagsusuri ng isang health professional ay mahalaga para sa assessment ng risk at ng associated conditions.
Hypertension Causes
Ang high blood pressure ay madalas na nadedevelop sa paglipas ng panahon. Maaari itong mangyari dahil sa unhealthy lifestyle choices, tulad ng hindi pag-eehersisyo. Ang ilang mga kondisyon sa kalusugan, tulad ng diabetes at obesity, ay maaari ring dagdagan ang panganib na magkaroon ng mataas na presyon sa dugo.
Hypertension Treatment
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-old-man-his-family-going-1676299630
Ang sentro ng hypertension ay ang lubhang pagtaas ng blood pressure. Para mapagaling ito at maiwasan ang malubhang komplikasyon, kailangan uminom ng mga gamot na magpapababa ng presyon ng dugo, tulad ng sumusunod:
- Alpha blockers, Angiotensin II receptor blockers tulad ng Losartan;
- Angiotensin-converting enzyme inhibitors gaya ng Captopril;
- Beta blockers tulad ng Atenolol;
- Calcium channel blockers gaya ng Felodipine at Amlodipine Besilate;
- Gamot na may kasamang diuretic gaya ng Losarite; at
- Renin inhibitors
Ang Pag-Ehersisyo at Altapresyon
Ang mga pisikal na aktibidad ay may mahalagang papel sa pag-iwas at pag-manage ng mataas na pressure ng dugo. Natuklasan ng isang pag-aaral mula sa American Heart Association na ang mga taong nag-ehersisyo sa loob ng apat o higit pa na oras sa isang linggo ay 19% na mas mababa ang posibilidad na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo kaysa sa mga taong hindi gaanong aktibo.
Best Exercises Para Sa Mga May Hypertension
Mayroong tatlong pangunahing uri ng ehersisyo na nirerekomenda sa mga may mataas na blood pressure -- ito ay ang stretching, strength training, at cardiovascular o aerobic exercise.
- Pag-uunat o stretching - makatutulong itong gawin kang mas flexible, gumalaw ng maayos, at iiwas sa mga injuries.
- Strength training - kaya nitong palakasin ang ating kalamnan na makakatulong sa ating mag-burn ng mas maraming calorie sa buong araw. Mabuti din ito para sa ating mga kasukasuan at buto.
- Cardiovascular o aerobic exercises - maaari itong makatulong na babaan ang pressure ng ating dugo at gawing mas malakas ang iyong puso. Halimbawa nito ay ang paglalakad, pag-jogging, paglangoy, paglukso sa lubid, pagbibisikleta (stationary o outdoor), cross-country skiing, skating, rowing, high- o low-impact aerobics, at water aerobics.
Sources:
https://obesity.org.ph/exercising-with-hypertension
https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/safe-exercise-tips
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410