Apat na Uri ng Toothache at ang Ibig Sabihin ng Mga Ito | RiteMED

Apat na Uri ng Toothache at ang Ibig Sabihin ng Mga Ito

September 9, 2021

Apat na Uri ng Toothache at ang Ibig Sabihin ng Mga Ito

Madalas, hindi natin alam kung bakit sumasakit ang ating ngipin o kung saan talaga nanggagaling ang sakit. Ang pagkakaroon ng ideya kung anong uri ng sakit ang iyong nararamdaman ang unang hakbang upang malaman mo kung ano ang dahilan ng iyong toothache.

 

Ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang dahilan ng tooth pain ay ang pagbisita sa isang dentista. Ang mga x-ray at masusing pagsusuri ay makakatulong na payuhan ka tungkol sa tamang pag gamot upang mabawasan ang sakit na iyong nararanasan.

 

Narito ang apat na halimbawa ng sakit ng ngipin at kung ano ang mga gamot para rito:

 

  • Toothache na Dull at Persistent

Ito ang pinakakaraniwang uri ng toothache. Bagaman mukha itong nakakatakot at nakakapangamba, ang sanhi ng tooth pain na ito ay maaaring simple lang, tulad ng pagkakaroon ng tinga sa iyong ngipin. Maaari ring maging dahilan ang teeth grinding (bruxism), abscessed tooth, at isang bagay na dumikit sa iyong gilagid,.

 

Ang pag-floss at pagbanlaw ng iyong bibig ay maaaring mag-alis ng pagkain na nakalagay sa iyong mga ngipin o gilagid. Kung ang isyu ay bruxism, kausapin ang iyong dentista tungkol sa mouthguard at iba pang treatment options.

 

 

 

  • Sensitivity sa Malamig at Mainit na Pagkain

Bagaman normal lang ang dental sensitivity, maaari rin itong maging seryoso kaso kapag napabayaan. Bigyan mo ng pansin kung ano ang nagti-trigger ng iyong toothache at kung gaano ito katagal sumasakit. Kung ang sakit ay maituturing mong "minor" at panandalian lang, maaaring may problema ka sa iyong enamel. Subukan mong gumamit ng toothpaste na dinisenyo para sa sensitive teeth, at iwasan mo ang pag-take ng sobrang lamig o init na pagkain sa loob ng isang linggo upang makita mo kung mawawala na ang problema.

 

Kung ang sakit na iyong nararamdaman ay malubha at tumatagal ng higit sa tatlumpung segundo, malamang na mas seryoso ang sanhi nito. Ang  tooth decay, fractures, exposed roots, "worn" fillings, at gum disease ay maaaring humantong sa mas masakit na sensitivity. Kumonsulta agad sa isang dentista para maagapan agad ito.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/patient-dental-chair-undergo-check-1026232663

 

  • Sharp Pain

Sa halos lahat ng sitwasyon, ang "sharp" o "jabbing" pain ay nangangailangan ng isang pagbisita sa dentista. Ang ganitong uri ng sakit ng ngipin ay karaniwang nagpapahiwatig na ang isang filling ay maluwag o ang isang crown ay nahulog. Kung wala kang filling o crown, ang sakit ay maaaring sanhi ng pagkabali o pagkabulok. Ang enamel ng isang ngipin ay maaaring basag, o maaaring mayroon kang cavity.

 

Anuman ang sanhi ng iyong sakit, sabihin mo agad ito sa iyong dentista upang matulungan kang mabilis na mapawi ang sakit.

 

  • Severe at Throbbing Toothache

Ang pang-apat na uri ng toothache na ito ay sinasabing napakasakit at nakaka-frustrate. Maaari itong dumating ng biglaan o unti-unting lumalala mula sa isang "sharp" pain hanggang sa ito ay maging "throbbing" pain. Ang throbbing sensation ay maaaring tila limitado sa isa o higit pang mga ngipin, o maaari itong kumalat sa iyong panga o kahit sa gilid ng iyong mukha. Maaari mo ring mapansin ang iyong mga gilagid na mukhang namamaga at pula.

 

Ang malubha at kumakabog na sakit sa ngipin ay isang seryosong kaso. Maaari itong sanhi ng isang sirang ngipin o untreated advanced gum disease (periodontitis) na na-expose sa mga ugat o nerves ng ngipin. Ang isang untreated tooth decay ay maaari ring sirain ang iyong enamel, sa puntong kaya nitong i-expose ang pulp layer sa loob ng iyong ngipin.

 

Toothache Home Remedy

Bagaman maaari kang makabili ng over-the-counter (OTC) medicine for toothache tulad ng RM Mefenamic Acid o gumamit ng hot o cold compresses bilang remedy for toothache, ang mga uri ng sakit sa ngipin na aming nabanggit ito ay hindi dapat pabayaan. Mahalaga na tawagan mo muna ang iyong dentista para matulungan ka.

 

 

Sources:

https://dentalcareoflombard.com/4-types-of-toothaches-and-what-they-mean

https://brucesextondds.com/5-types-of-tooth-pain-what-they-mean-and-what-to-do

https://breckinridgedental.com/emergency-dentist-in-richardson/



What do you think of this article?