Best Vegan Diet: Sources ng Protein na Hindi Karne | RiteMED

Best Vegan Diet: Sources ng Protein na Hindi Karne

August 18, 2021

Best Vegan Diet: Sources ng Protein na Hindi Karne

What is protein?

 

Protein functions as an energy source of our body. Tinagurian itong “building blocks of life” dahil ginagampanan nito ang napakaraming kritikal na tungkulin sa ating katawan. Isa na rito ang pagtulong sa ating katawan na mag-ayos at gumawa ng bagong cells. Mahalaga rin ang protina para sa paglaki at pag-unlad ng mga bata, teenager, at mga buntis.

 

Dahil dito, napakahalaga na isama natin ang healthy sources ng protina sa ating diet araw-araw. Pero alam mo ba na hindi lang sa karne makakakuha ng proteins? Kung naka-vegan diet ka ngayon at matagal ka nang naghahanap ng vegan meat, ito na ang sagot! Sabay-sabay nating alamin kung anu-ano ang mga sources ng proteins maliban sa karne.

 

Plant-Based Sources ng Proteins

 

  • Spirulina

Ang protein food na ito ay mayaman sa nutrients at tinaguriang “superfood” ng mga taong health-conscious. Commercially, makikita natin ang spirulina bilang isang dark green powder. Karaniwan itong idinadagdag sa mga protein shakes, juice, smoothie bowls, at iba pa. Mataas ito sa potassium, zinc, at calcium, at mayroon itong walong essential amino acids. Pagdating naman sa protein content nito, ang spirulina ay 65% hanggang 71% complete protein kumpara sa karne ng baka, na 22% lamang.

 

 

 

  • Black beans

Ang isang tasa ng black beans ay naglalaman ng 15 grams ng protina, na mas mataas ng konti sa 13-gram protein content ng medium-sized chicken drumstick. Bagaman hindi natin masasabi na isa itong "impressive gap," ikonsider natin ito: Hindi tulad ng manok, ang black beans ay mayaman sa fiber, mababa sa fat, at walang cholesterol.

 

  • Spinach

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/fresh-spinach-salad-quinoa-roasted-tomatoes-261457736

 

Ang spinach ay isang gulay na hindi lamang mayaman sa protein, iron, folic acid, at vitamin C, mababa rin ang calories nito. Ang isang tasa ng spinach ay may halos limang grams ng proteins at 30 calories lang. Kung titingnan ito sa mga tuntunin ng calorie, malalaman mo rin na ang spinach ay, sa katunayan, may higit na protina kaysa sa karne: ang 100 calories ng ground beef ay may halos 10 grams ng protina, habang ang 100 calories ng spinach ay mayroong 12 grams ng proteins.

 

  • Quinoa

Ang gluten-free grain na ito ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na protein content. Ang isang tasa ng lutong quinoa ay may higit sa walong grams ng protein. Madalas itong i-market bilang isa sa mga vegetarian sources ng kumpletong protina – nangangahulugang taglay nito ang lahat na siyam na essential amino acids.

 

  • Lentils

Ang lentils ay isa ring example of protein source. Ang isang tasa nito ay mayroong tinatayang 18 grams ng protein – higit na mataas kesa sa 17-gram protein content ng double-patty burger. Tulad ng black beans, ang lentils ay naglalaman ng little to no fat, may mataas na amount ng fiber, at makakatulong na mabawasan ang blood cholesterol.

 

Iba Pang Plant-Based Protein Sources

 

Maliban sa mga nabanggit, ang ilan pang halaman na mayaman sa protina ay asparagus, artichokes, at brussel sprouts. Isama mo na rin sa listahan ang tofu, seitan, edamame beans, wild rice, mung beans, green peas, chickpeas, pistachios, at almonds.

 

Final Advice

 

Para mas lalo mong mapanatili na healthy ang iyong body habang ikaw ay naka-vegan diet, ‘wag mo ring kalimutan ang pag-take ng vitamin B supplements tulad ng RM Vitamin B Complex Tab. Isa itong reliable source ng vitamin B12 na kailangan ng mga vegetarians at vegans dahil hindi nagpo-produce ang mga halaman ng ganitong uri ng bitamina.

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/food-nutrition/19-high-protein-vegetables

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321474#15-best-vegan-proteins

https://multisport.ph/29567/plant-based-foods-protein-meat

 



What do you think of this article?