Exercises Para sa May Problema sa Prostate | RiteMED

Exercises Para sa May Problema sa Prostate

July 21, 2021

Exercises Para sa May Problema sa Prostate

Alam mo bang ang exercise ay maaaring magbigay ng health benefits sa mga lalaking may prostate cancer? Ang ehersisyo ay nagpapabuti sa heart health at bone density at pinapababa ang panganib ng diabetes at obesity. Ito rin ay nakakatulong sa pagbawas ng blood sugar levels na nagpapababa ng insulin levels at inflammation. Ito ay mahalaga dahil ayon sa mga eksperto, may association sa pagitan ng insulin levels, inflammation, at prostate enlargement risk.

 

 

Ilan pa sa mga importanteng benepisyo ng pag-eehersisyo ay ang kakayahan nitong i-reduce ang side effects ng common prostate cancer treatments, tulad ng androgen deprivation therapy (ADT). Ilan sa side effects ng ADT ay muscle loss, pagtaas ng fat mass, at bone disease ng osteoporosis. Ang risk sa diabetes at heart disease ay tumataas din kaantabay ng ADT. Bukod dito, ang ehersisyo ay nagpapababa ng stress, anxiety, at depression na madalas maranasan ng mga lalaking may prostate cancer.

 

Nasa ibaba ang ilang pangunahing impormasyon ukol sa best exercises na maaari mong gawin kung ikaw ay nakakaranas ng prostate cancer symptoms.

 

 

 

 

 

 

Best Exercises Para Sa Mga May Prostate Symptoms

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/senior-asian-man-exercising-using-dumbbells-1633124821

 

1. Kegel Exercises

 

Kalimitan, matapos sumailalim sa prostate surgery, nakakaramdam ang isang lalaki ng muscle weakness dahil sa proximity ng mga muscles sa prostate. By starting to strengthen your pelvic muscles bago ang surgery, maaaring ma-minimize ang muscle weakness, pati na rin ang iyong risk for incontinence (kawalan ng pagpipigil).

 

Paano gawin ang Kegel exercise:

 

  1. I-contract ang iyong pelvic floor muscles; itaas ang exerciser.
  2. I-hold ang contraction ng dalawang segundo habang humihinga ng malalim.
  3. I-release ang contraction.
  4. Magpahinga at mag-relax ng mga dalawang segundo, o hangga't kailangan mo, bago ulitin ang ehersisyo.
  5. Ulitin ng sampung beses para sa isang set ng Kegel.

 

2. Strength Training

 

Ang strength training, na tinatawag ding resistance exercise, ay maaaring makatulong na madagdagan ang iyong muscle mass and resting metabolic rate (RMR). Mahalaga rin ito para sa pagpapanatili ng healthy bones at para sa pagpapabuti ng balanse, na makakatulong na maiwasan ang pagbagsak.

 

Kasama sa mga uri ng strength training ang weight training, push-ups, at pull-ups. Sa kabilang banda, ang abdominal crunches (sit-ups) ay maaaring magpalala ng leakage o tagas na sanhi ng stress incontinence. Dahil dito, the best pa din na makipag-usap sa iyong medical team o sa isang physical therapist tungkol sa level at types ng strength training na ligtas para sa iyo.

 

 

3. Aerobic Training

 

Ang aerobic exercises, tulad ng fast walking, swimming, running, dancing, hiking, bicycling, at cross-country skiing, ang dahilan kung bakit bumababa ang iyong calorie levels habang at matapos ang iyong workout. Tinutulungan ka ng aerobic exercises na tunawin ang calories sa iyong RMR pati na rin ang additional calories na kailangan upang ma-fuel ang nasabing ehersisyo.

 

Maliban sa pagtunaw ng calories, ang physical fitness exercises ay partikular na epektibo pagdating sa pagpapataas ng natural antioxidant levels ng katawan, maging sa pag-eliminate ng inflammatory molecules na nagdadala ng cancer. Ito ang dahilan kung bakit recommended ng mga doktor ang aerobic exercises sa mga pasyente na may problema sa prostate gland, partikular na ang mayroong enlarged prostate.

 

How much exercise?

 

Ang health benefits ng fitness activities ay direktang nauugnay sa dami ng aktibidad na ginagawa on a regular basis. Generally, the more you are able to do, the better. Mahalaga rin ang intensity, ngunit ang pisikal na aktibidad ay hindi kailangang maging vigorous upang makapagbigay ng mga benepisyo. IBig sabihin nito, ang physical activity ay hindi lamang pag-workout sa gym o playing sports. Maituturing din na physical activity ang pakikibahagi sa mga hobbies tulad ng pagsasayaw, pagbibisikleta, at paghahardin, pati na rin ang paggawa ng active household chores, pag-akyat sa hagdan, at pagsasagawa ng isang trabaho na nangangailangan ng physical demands.

 

More Prostate-Related Health Tips

 

Ang regular physical activity, healthy diet, at supplements ay mahalaga para sa ating general health at maaari ding magpanatili ng healthy weight. Lalo itong importante kung ikaw ay may problema sa prostate, dahil mayroong matibay na katibayan na ang sobrang timbang ay nagpapataas ng risk ng aggressive (more likely to spread) o advanced prostate cancer.

 

Ngunit tandaan, bago mag-take ng kahit anong vitamins o supplements, kumonsulta muna sa isang nutritionist o doktor. Ang pagkonsulta sa isang espesyalista tungkol sa pag-take ng vitamins at supplements ay makakatulong upang ma-flush out ang mga potensyal na panganib at benepisyo ng mga ito.

 

Sources:

https://www.uclahealth.org/urology/prostate-cancer/kegel-exercises-for-men

https://www.cancer.net/blog/2019-01/should-you-exercise-if-you-have-prostate-cancer

https://www.seattlecca.org/diseases/prostate-cancer/diet-and-exercise

https://www.health.harvard.edu/mens-health/3-ways-exercise-helps-the-prostate-yes-the-prostate



What do you think of this article?