May Exercise Ba Para Mabawasan ang Sakit ng Arthritis?
August 18, 2021
Ang arthritis ay ang pamamaga at paglambot ng isa o higit pang kasukasuan sa ating katawan. Ang mga pangunahing sintomas ng sakit na ito ay joint pain at stiffness (paninigas), na karaniwang lumalala sa pagtanda.
Para makatulong na mabawasan ang sakit na dulot ng arthritis, narito ang ilang mga gawain at workout na maaari mong gawin.
Mga Aktibidad at Aerobics na Makakatulong sa Pagpawi ng Sakit ng Arthritis
Morning Exercise
Taliwas sa sinasabi ng iba, nakabubuti ang paggalaw-galaw ng mga joints kapag inaatake ng rayuma. Nakatutulong itong pahupain ang pamamaga ng iyong joints at alisin ang sakit.
Ang ilang halimbawa ng exercises na maaari mong subukan ay:
- Quadricep Stretch - Inuunat nito ang harap ng hita
- Hamstring Stretch - Inuunat nito ang likod ng hita at tuhod
- Straight-Leg Raises - Pinalalakas nito ang harap ng hita.
- Hamstring Curls - Pinalalakas nito ang likod ng hita
- Slow “March” - Pinalalakas nito ang stabilizing muscles ng mga paa, tuhod, at balakang.
- Sit-and-Stand – Pinalalakas nito ang likod ng hita at pigi.
- Bodyweight Squat – Nakakatulong din itong palakasin ang hita at pigi.
Deep Breathing
Huminga ng mabagal mula sa iyong tiyan. Maaari nitong pakalmahin ang stress receptors na umiigting o naghihigpit sa iyong muscles o kalamnan na nagpapalala ng sakit. Maliban rito, kapag naka-focus ka sa iyong paghinga, nailalayo mo ang iyong isip mula sa nararamdamang sakit.
Meditation
Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mo ng physical fitness activities upang mapawi ang sakit ng arthritis. Maaari ka ring magmeditate sa pamamagitan lang ng pag-focus sa iyong paghinga. Hindi ito nangangailangan ng anumang spiritual beliefs, at hindi ito tungkol sa pagiging sobrang kalmado. Kahit sino ay maaaring gawin ito, at ang ilang minutong igugulgol mo dito ay makakatulong na pawiin ang sakit na iyong nararamdaman dahil sa arthritis.
Acupuncture
Ang traditional form ng Chinese medicine na ito ay isa sa mga pinakamatandang natural pain remedies na mayroon tayo ngayon. Gumagamit ito ng “super-fine” needles o karayom ââupang i-stimulate ang energy sa mga pathways ng ating katawan na tinatawag na meridian. Ang layunin ng acupuncture ay itama ang mga imbalances ng energy, o qi (binibigkas na "chee").
Wala pang gaanong pananaliksik tungkol sa acupuncture para sa arthritis, ngunit ipinakita ng mga pag-aaral na pinapababa nito ang level ng chemicals sa ating katawan na may kaugnayan sa pamamaga. Nakakatulong rin ito sa chronic pain, lalo na sa sakit sa likod. Maaari rin itong makatulong sa osteoarthritis.
Masahe
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-young-woman-checking-knee-elderly-1378984691
Ang natural remedy na ito ay nagsimula libu-libong taon na ang nakaraan, at ipinapakita ng modern science na makatutulong itong mapagaan ang mga sakit sa ating katawan. Maraming uri ang masahe, at makabubuti na isangguni mo muna ito sa iyong doktor bago mo subukan.
Yoga
Ang technique na ito, na pinaghalong ehersisyo, malalim na paghinga, at meditation, ay nagsimula sa India 5,000 taon na ang nakalipas. Nakabubuti ang yoga sa ating isip at health. Nakatutulong itong mawala ang joint pain, i-improve ang flexibility, at tanggalin ang stress at tension sa katawan.
Ayon sa mga pag-aaral, maaari nitong pababain ang mga kemikal na sanhi ng pamamaga at stress. Makipag-usap lamang sa iyong doktor upang matiyak na okay para sayo bago ka magsimulang mag-yoga. Makipagtulungan sa isang espesyalista upang matulungan kang makahanap ng isang magtuturo na alam kung paano i-handle ang mga taong may arthritis.
Pag-inom ng gamot
Isa pang mabisang paraan upang matulungan kang mawala ang sakit ay ang pag-take ng doctor-recommended medicines for arthritis tulad ng Mefenamic Acid, Meloxicam, Celecoxib, at Diclofenac Sodium. Ang mga gamot na ito ay nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAID), at pinapababa nila ang hormones na nagsasanhi ng pamamaga at sakit sa katawan.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/arthritis/symptoms-causes/syc-20350772
https://creakyjoints.org/diet-exercise/exercises-arthritis-knee-pain
https://www.webmd.com/rheumatoid-arthritis/rheumatoid-arthritis-natural-treatments