May Gout ba Ako? Mga Sintomas na Dapat Bantayan
November 15, 2021
Sumasakit ba ang iyong kasukasuan? Pakiramdam mo ba ay namamaga ang iyong mga tuhod at kamay? Baka ikaw ay may gout.
What is gout?
Ang gout ay isang uri ng arthritis kung saan ang mga joints o kasukasuan ay namamaga at kumikirot. Ayon sa Philippine Rheumatology Association, 1.6% ng mga Pilipino ang apektado ng gout at may matinding kalaban – ang pag-atake ng biglang pananakit at pagkirot ng katawana na nagdudulot ng kahirapan sa paggalaw.
Ang gout ay masakit na karamdaman na dulot ng sobrang uric acid sa katawan o hyperuricemia. Ang sobrang uric acid ay namumuo na parang mga kristal at tinutusok ang joint kaya nakakaramdam ng pasulpot-sulpot na sakit na maaaring magtagal nang ilang araw, kung minsan nga ay ilang linggo pa.
Gout symptoms
Iba-iba ang lebel ng sakit na maaaring maramdaman ng mga indibidwal na may gout. Ngunit lahat sila ay nakakaranas ng matinding joint pain na nawawala at bumabalik. Ito ay pwede ring maging pamamaga o pamumula ng kasukasuan na nagdudulot ng hindi maayos na pakiramdam lalo na kapag gumagalaw. Nararamdaman ito sa hinlalaki sa paa, sa sakong, tuhod, siko, mga daliri sa kamay, at wrist.
Naranasan mo na bang sumakit ang katawan bigla habang nasa trabaho o sa byahe? Ang mga gout attack ay nangyayari nang walang warning, kaya kahit anong oras o araw ay pwedeng bigla ka na lang mahirapan gumalaw dahil sa sobrang sakit.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/feet-man-suffering-gout-2029397909
Iba pang dapat Bantayan
Bukod sa level ng uric acid sa katawan dahil sa kinakain, may ilan pang kondisyon na dapat bantayan upang makita kung possible kang magka-gout:
- Edad: Kadalasang nagkakaroon ng gout ang mga matatanda at bihira naman sa mga bata.
- Kasarian: Mas apektado ng gout ang mga lalaki kaysa sa mga babae.
- Genetics: Kung nasa lahi mo o ng ang iyong mga magulang ang gout, mas mataas ang tyansa mong magkaroon din nito..
- Pamumuhay: Ang mga iniinom at kinakain sa pang-araw-araw ay nakakaapekto sa level ng uric acid sa katawan na siyang nagdudulot ng gout.
- Iba pang mga sakit at kondisyon tulad ng diabetes, hypertension, at sakit sa bato.
Gout Treatment
Walang particular na pagkain ang magpapawala ng pag sumpong ngunit ang pagkakaroon ng maayos na diet ay tutulong para sa maayos na timbang at pagpapabagal ng paglala nito. Iwasan ang mga pagkaing maaaring magpataas ng uric acid level tulad ng beer o alcohol, lamang loob, lamang dagat, at mga matatamis na pagkain.
Bukod sa tamang masustansyang pagkain at exercise, mahalaga rin ang pagpili ng tamang gamot sa tuwing aatake ang gout symptoms. Huwag kalimutan ang magpakonsulta muna sa doktor bago gumawa ng anumang hakbang kung sakaling ikaw ay nakakaranas ng sintomas ng gout. Ito ay upang mas mabantayan at makontrol ang pananakit at pamamaga ng kasukasuan bago pa man ito lumala.
Sources:
https://www.unilab.com.ph/articles/warning-signs-of-gout-you-might-have-missed