Mga Pagkaing Makakatulong sa Allergies | RiteMED

Mga Pagkaing Makakatulong sa Allergies

September 9, 2021

Mga Pagkaing Makakatulong sa Allergies

Kung ikaw ay may skin allergies, food allergies, or seasonal allergies, marahil ay madalas kang dumipende sa antihistamine, isang allergy medicine, para labanan ang mga allergy symptoms.  Ngunit hindi lamang ito ang paraan para labanan ang sipon, pagluluha ng mata, at congestion na madalas na sintomas ng iba’t ibang allergy.

 

Maaari ka ring kumain ng iba’t ibang pagkain na nakakapag bigay relief kapag umatake ang mga sintomas ng allergies. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga ito:

 

1. Luya

 

Marami sa allergy symptoms ay dulot ng inflammation tulad ng pamamaga ng nasal passages, lalamunan, at mata. Ang luya ay mabisang natural na lunas sa mga sintomas na ito.

 

Sa loob ng libo-libong taon, ang luya ay ginagamit na natural na gamot laban sa iba’t ibang karamdaman tulad ng pamamaga ng kasukasuan, hilo, at pagsusuka. Ito din ay isang kilalang anti-inflammatory phytochemical.

 

Inaaral din ng mga eksperto kung paano gamitin ang mga kemikal ng luya upang labanan ang seasonal allergies.  Sa mga nakaraang pagsusuri, naobserbahan ng mga eksperto na ang luya ay nakakapagpababa ng proteins sa dugo na nagdudulot ng allergy symptoms. Wala ring nakitang pagbabago sa resulta kung ang ginamit ay sariwa o pinatuyong luya.

 

 

 

 

2.Citrus fruits

 

Ang mga citrus fruits tulad ng orange, lemon at calamansi ay nakakatulong sa pagpapaikli ng tagal ng sipon. Dahil puno ito ng Vitamin C, nakakatulong ito sa na mapagaan ang pakiramdam kapag umatake ang allergies tulad ng allergic rhinitis.

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/plate-citrus-fresh-fruits-on-concrete-1415401322

 

 

3.Kamatis

 

Ang kamatis ay puno ng mga essential nutrients. Ang isang kamatis ay naglalaman ng 26% ng kailangan pang araw-araw na dose ng Vitamin C ng iyong katawan, ayon sa mga eksperto. Ito rin ay may Lycopene na isang antioxidant na nagpapababa ng pamamaga sa katawan. Kumain ng lutong kamatis para mas madaling maabsorb ng katawan ang mga nutrients na ito.

 

4. Sibuyas

 

Maraming benepisyo ang sibuyas para sa ating kalusugan. Ang sibuyas ay may quercetin, isang natural antihistamine na nakakapag pababa ng mga sintomas ng skin allergies at seasonal allergies. Dahil maraming taglay na anti-inflammatory substances at antioxidants ang sibuyas, ito ay mabisang panlunas sa mga problemang dulot ng allergies.

 

Ang hilaw na red onions ang may pinakamataas na dami ng quercetin. Kapag niluluto ang sibuyas, nababawasan ang laman nitong quercetin. Para makatulong sa pag relieve ng iyong allergies, kumain ng sibuyas na hilaw. Ihalo ito sa salad, sandwich, o sa sawsawan.

 

 

Sa susunod na umatake ang iyong allergies, subukang hanapin ang mga pagkaing ito sa inyong kusina. Ang mga ito ay makakapagbigay sa iyo ng immediate relief para sa iyong sintomas.

 

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/seasonal-allergies-best-foods

https://www.everydayhealth.com/allergy-photos/allergies-and-food.aspx

https://weather.com/health/news/foods-help-stop-seasonal-allergies-20141002



What do you think of this article?