Para saan ang Fiber? | RiteMED

Para saan ang Fiber?

August 18, 2021

Para saan ang Fiber?

Dietary fiber. Madalas nating napapanood sa TV o nababasa online ang mga produktong nagsasabing mayroon itong taglay na dietary fiber. Marahil ay narinig mo na rin ang payo na kumain ng mas maraming fiber. Pero ano nga ba ito at bakit natin ito kailangan?

 

What is fiber

 

Ang fiber ay bahagi o parte ng ating kinakain na hindi kayang tunawin ng ating katawan. Hindi ito tulad ng protina, bitamina, o ibang uri ng carbohydrates na kayang i-digest ng tiyan at gamitin upang maging malusog. Anumang fiber na kainin ay inilalabas lang din ng ating katawan.

 

Kung hindi rin naman pala ito ginagamit ng katawan, bakit pa natin kailangan kumain ng fiber foods? Makakatulong ba talaga sa kalusugan ang pagpili ng mga pagkaing mataas ang taglay na fiber?

 

Benepisyo ng Fiber sa Ating Kalusugan

 

May dalawang uri ng fiber na kailangan ang ating katawan: ang soluble fiber at ang insoluble fiber.

 

Ang soluble fiber na natutunaw sa tubig ay mahalaga sa pagpapababa ng cholesterol level at blood sugar. Lalo itong mahalaga para sa mga taong mataas ang blood sugar level o mga taong mayroong high blood.

 

Ang insoluble fiber naman ay hindi natutunaw sa tubig. Pangunahin itong tumutulong sa maayos na stool formation o pagbuo ng human waste na inilalabas ng katawan. Kung ikaw ay constipated o nahihirapan kang magbawas, isa sa posibleng dahilan ay ang kakulangan ng fiber rich food sa iyong diet.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/female-make-shape-heart-her-hands-1487047748

 

Dahil napapabilis ang pagbuo ng waste at paglabas nito sa katawan, nakakatulong ang fiber rich foods sa pagprotekta sa ating gut health o ang kalusugan ng ating gastrointestinal tract na binubuo ng esophagus, tiyan at mga intestines. Ito ay nakakatulong sa pag-iwas sa mga digestive problems tulad ng constipation, gastroesophageal reflux disease, at hemorrhoids.  Bukod dito, ang malusog na tiyan ay nagtataglay ng mga good bacteria at immune cells na kayang lumaban sa mga mikrobyo na nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit.

 

Ang dietary fiber din ay nakakatulong sa pagbawas ng risk ng coronary heart disease. Ang fiber ay mabuti para sa puso dahil ito ay nakakatulong ayusin ang blood lipid profiles, nakakapagpababa ng presyon ng dugo at nakakatulong sa insulin sensitivity.

 

Mahalaga rin ang dietary fiber sa mga taong may diabetes. Ang fiber ay nakakatulong maayos ang blood sugar levels. Ang healthy diet na puno ng fiber mahalaga rin para mapababa ang risk ng pagkakaroon ng type 2 diabetes.

 

Kung ikaw naman ay may balak magpapayat, kumain ng fiber rich foods. Napatunayan din ng pag-aaral na mas madaling magbawas ng timbang dahil mas matagal makaramdam ng gutom ang taong may fiber rich diet.

 

Saan makakakuha ng fiber ?

 

Para makuha ang lahat ng health benefits ng fiber, simulant na ang pagkakaroon ng fiber rich diet. Isama ang mga sumusunod na fiber rich foods sa iyong daily meals:

  • Whole grains tulad ng brown rice, barley, oatmeal, wheat bread
  • Gulay
  • Prutas
  • Beans at legumes
  • Mani

 

 

Para siguradong sapat na dami ng fiber ang nakukuha ng katawan, nakakatulong din ang pag inom ng dietary fiber supplement tulad ng RiteMed Fibermate. Kasabay ng isang balanced diet na puno ng fiber rich foods, inumin ang FIbermate isa hanggang tatlong beses araw-araw.

 

Sa panahon ngayon, importante ang pagkakaroon ng malusog at matibay na pangangatawan. Ang pagkain ng fiber rich foods ay isang malaking tulong para mapanatiling maayos ang ating gut health na mahalaga sa ating overall health. Tila maliit na bagay man ang pagkain ng high fiber foods, walang kapantay naman ang mga pangmatagalang benepisyo nito sa ating katawan.



 

 

 

Sources:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/fiber/art-20043983

https://businessmirror.com.ph/2018/07/19/understanding-dietary-fiber-in-your-food-label/

https://lifegetsbetter.ph/article/bulk-up-on-fiber

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5731843/

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/carbohydrates/fiber/#ref16

https://www.health.harvard.edu/blog/should-i-be-eating-more-fiber-2019022115927

 



What do you think of this article?