Pwede bang maging Active sa Sports ang Batang may Epilepsy?
October 15, 2021
“Anong activities o sports ang maaaring gawin ng mga batang may epilepsy?”
“Gaano kasigurado na ligtas ang isang bata habang siya ay nag-eenjoy sa iba't ibang physical activities at sports?”
“Paano nakakaapekto ang uri at dalas ng seizure sa activities ng isang bata?”
“Nati-trigger ba talaga ng exercise ang seizures?”
Ilan lamang ito sa mga katanungan ng marami sa atin tungkol sa mga batang may epilepsy o seizure disorder. Marami sa atin ang curious kung ano nga ba ang pwede at bawal na physical activities at sports para sa mga batang may seizure disorder. Sa tulong ng article na ito, alamin natin ang sagot sa mga tanong na nabanggit.
Pero una sa lahat, alamin muna natin kung ano nga ba ang epilepsy.
What is epilepsy and its causes?
Ang epilepsy ay isang central nervous system (neurological) disorder kung saan nagiging abnormal ang aktibidad ng utak, na nagiging sanhi ng mga seizure o periods ng unusual behavior, sensations, at kung minsan ay loss of awareness.
Ang mga tipikal na sanhi ng epilepsy ay:
• Labis na electrical charges sa isang grupo ng brain cells
• Brain diseases, tulad ng infection, injury, vascular, tumor, congenital, at degenerative
• Kawalan ng balanse ng chemical neurotransmitters sa utak
• Ilang "provocative factors" tulad ng photic stimulation (disco lights, telebisyon, computer, atbp.)
• Labis na paghinga
• Sobrang hydration
• Pagkawala ng tulog
• Emotional at physical stress
Epilepsy Symptoms
Ang mga sintomas ng epilepsy ay magkakaiba sa bawat tao at ayon sa uri ng seizure. Ngunit para tayo ay maging aware, ang common symptoms ng epilepsy ay:
- Seizure
- Loss of awareness/consciousness
- Disturbances of movement
- Sensation, kabilang na ang paningin, pandinig, at panlasa
- Automatic function, mood, at mental function
Ngayon, ang ating million-dollar question ay: Pwede ba talaga mag-exercise o sumali sa sports ang mga batang may epilepsy?
Sagot: Oo, pwedeng pwede! As a matter of fact, exercise benefits people with epilepsy.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-girl-holding-her-boyfriends-feet-1903903816
Ang pagiging active at ang pag-eehersisyo, sa recreational activities man o sports, ay nakakatulong na ma-improve ang ating mental, emotional, at physical health. Mahalaga ito para sa ating lahat, at ganoon din sa mga taong may epilepsy. Maraming pagkakataon na hindi nag-eehersisyo o naglalaro ng sports ang mga taong may epilepsy dahil sa takot na maaari itong magpalala ng mga seizure o humantong sa mga pinsala, ngunit panahon na upang malaman natin na walang masama kung magsasagawa ng physical exercise ang isang taong may epilepsy. Ito ay dahil:
- Napakabihira na maging sanhi ng seizure ang pag-eehersisyo o anumang fitness activities.
- Para sa karamihan ng mga taong may epilepsy, ang mga benepisyo ng ehersisyo ay mas malaki kaysa sa mga panganib.
- Ipinakikita ng ilang pag-aaral na ang ehersisyo at pagiging fit sa katawan ay maaaring bawasan ang mga panganib ng seizures.
- Karamihan sa mga sports ay ligtas na gawin ng mga taong may epilepsy, kahit na ang mga seizure ay hindi ganap na kontrolado. Gayunpaman, kung mas matindi at mas malala ang seizures ng isang tao, mas malaki ang pangangailangan para sa taong iyon na limitahan o baguhin ang athletic activities.
- May gamot na for epilepsy tulad ng RM Pregabalin na available sa lahat ng leading drugstores sa bansa.
Ang pag-eehersisyo at pagsali sa sports ay napaka importante para sa socialization at kaligayahan ng isang tao. Ang pagbabalanse rin ng isang "safe life" at isang "active life" ay posible, kailangan lang sumangguni sa isang espesyalista upang masiguro na tama ang iyong ginagawa at hindi makokompromiso ang iyong kalusugan.
Sources:
https://doh.gov.ph/Health-Advisory/Epilepsy https://www.healthline.com/health/epilepsy