Pwede bang Masobrahan sa Zinc?
October 15, 2021
Sa panahon ng pandemya, natuto tayo sa kahalagahan ng pagpapalakas ng immune system. Isa sa mga sinasabing mabisang pampalakas ng immune system ay ang mineral na Zinc.
Ngunit paano nga ba malalaman kung sapat na dami ng Zinc ang nakukuha natin araw-araw? Posible bang masobrahan tayo sa mineral na ito?
Ano ang Zinc?
Ang Zinc ay isang mineral na matatagpuan sa ilang pagkain tulad ng karne, isda, at manok. Matatagpuan din ito sa mga gamot sa sipon, madalas kalakip ng Vitamin C sa anyong Ascorbic Acid o Sodium Ascorbate.
Mahalaga ang zinc para mapanatiling maayos ang iba’t ibang gawain ng mga bahagi ng katawan. Kabilang na rito ang pagpapagana ng immune system at pagpapagaling ng mga sugat.
Posible ba na ma-overdose sa Zinc?
Ang ligtas na dami ng Zinc intake bawat araw ay nakadepende sa edad ng tao.
Para sa mga batang 1–3 taong gulang, 3–7 micrograms lamang kada araw ang ligtas na dami ng zinc. Sa mga matatandang 19 taong gulang pataas, 8–40 micrograms ang katanggap-tanggap na dami ng Zinc.
Madalas nao-overdose sa Zinc kapag sumobra ang pag-inom ng supplements na pampalakas ng immunity.
Mga Senyales ng Zinc Overdose
Tulad ng iba pang karamdaman, ang pagkakaroon ng sobrang Zinc sa katawan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas. Bukod sa edad at estado ng kalusugan, nakabatay rin ito sa dami at dalas ng nasabing mineral sa katawan.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-sitting-on-sofa-having-536313019
- Pagkahilo at pagsusuka —Ito ang kadalasang nauulat na mga epekto ng labis na Zinc. Bagamat binabawasan ng Zinc ang tagal ng pagkakaroon ng sipon, may kasama rin itong matinding epekto tulad ng pagkahilo at pagsusuka.
- Sakit ng tiyan o puson at pagdumi — Madalas itong kasabay ng pagkahilo at pagsusuka. Bukod sa mga gamot, maaaring ma-overdose sa Zinc na nasa mga pandikit o sealants, o sa mga kemikal na panlinis.
- Flu-like na sintomas tulad lagnat, panlalamig, ubo, pananakit ng ulo at pagkahapo – Ang mga ito ay posibleng sintomas ng pagkalason mula sa iba’t ibang mineral kabilang ang Zinc.
- Mababang good cholesterol — Kapag lumampas sa 50 micrograms ang Zinc sa katawan, pabababain nito ang good cholesterol, na magpapataas ng pagkakataong magkaroon ng sakit sa puso.
- Pagbabago ng panlasa — Dahil sa labis na Zinc ay maaaring magkaroon ng mala-bakal na lasa ang mga pagkain.
- Kakulangan sa copper — Ang labis na Zinc ay magpapabawas sa kakayahan ng katawan na sipsipin ang copper. Ang kakulangan sa copper ay maaaring magdulot ng mga sakit sa dugo tulad ng anemia.
- Madalas na pagkakaroon ng impeksyon — Ang sobrang Zinc ay nagpapababa sa pag gana ng T-cells. Ang T-cells ay may napakahalagang tungkulin sa pagpapatatag ng immunity ng katawan dahil sila ang sumisira sa mga masasamang pathogens sa katawan.
Bantayan ang Kalusugan
Anuman ang edad at gawain, mahalaga na laging maging maingat sa mga kinakain sa pang-araw-araw. Lalo na sa panahon ng pandemya, walang katumbas ang malusog na katawan.
Kung ikaw ay sumobra sa pag inom ng supplements na may zinc, agad na kumunsulta sa doktor upang maagapan ang pangmatagalang epekto ng sobrang zinc.
Sources: