Snacks na Healthy: Pamalit sa Junk Food
July 21, 2021
Health is wealth. Sa panahon ng pandemic, maituturing na yaman ang pananatiling malakas at malusog ng mga bata. Bukod sa pagkain ng tama ng tatlong beses sa isang araw, mahalaga rin ang healthy snacks sa overall health ng mga bata. Kahit sa snack time, dapat healthy food ang kinakain ng mga bata at hindi junk food gaya ng chips, fries, burger o pizza.
Paano nga ba gagawing mas healthy ang snacks ng mga bata? Paano natin masisiguro na hindi puro junk foods ang kakainin nila lalo na kapag bumalik sa school? Narito ang ilang healthy snack ideas na magugustuhan pa rin ng mga bata.
Vegetable Fries
Para mas makatipid at maging healthy ang mga bata, gumawa na lamang ng fries sa bahay imbis na mag order sa mga fast food stores. Gumawa ng sariling veggie fries! Prito man o baked sa oven, ipasubok sa mga bata ang fries na gawa sa carrots, patatas o eggplant.
Vegan Ice Cream or Fruity Frozen Yogurt
Paboritong paborito ng mga bata ang ice cream. Kung bibilhan sila ng ice cream, piliin ang mas masustansyang alternative—ang vegan ice cream. Ang mga vegan ice cream brands ay kadalasang gawa sa plant-based milk tulad ng coconut milk, almond milk or soy milk.
Pwede ring gawing bonding time ng pamilya ang paggawa ng fruity frozen yogurt. Ihalo lang sa yogurt ang mga hiniwang prutas at hayaang tumigas sa ref. Bukod sa kontrolado mo na ang tamis, mas healthy ito dahil sa mga bitaminang dala ng mga prutas!
Homemade Pizza
Huwag na magpadeliver ng pizza. Gumawa na lang ng pizza sa bahay gamit ang masusustansyang ingredients. Gumawa ng pizza dough mula sa harina. Lagyan ng fresh meat toppings at fresh vegetables ang ibabaw ng dough at i-bake sa oven.
Vegetable Chips
Imbis na ang paboritong potato chips nila ang ihain para sa merienda, bigyan ang mga bata ng chips na gawa sa gulay. Basta crispy ang pagkakaluto, tiyak na magugustuhan ito ng mga bata. Isa itong epektibong paraan para mapakain ng gulay ang mga bata.
Ilan sa mga halimbawa ng healthy chips ay ang Kale Chips at Crispy KangKong. I-bake o prituhin ang mga Kale Leaves at Kangkong. Gumawa ng masarap na dip para sa inyong homemade veggie chips. Pwedeng isawsaw ito sa mayonnaise, cheese or barbecue dip.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/homemade-green-kale-chips-vegan-cheese-221167144
Healthy Grilled Burgers
Gumawa ng burger buns gamit ang lettuce o sweet potato rounds na isinama sa masustansyang veggie patty o kaya ay lean meat ng chicken o salmon. Lutuin ang ground beef sa griller para masigurong mas healthy ang burger.
Fruit Smoothies
Gamit ang blender, gawing smoothie ang mga paboritong prutas ng mga bata. Dagdagan ng gatas at yelo. Ang fruit smoothies ay magandang alternatibo sa mga commercial drinks na nakasanayan ng mga bata.
Sa panahon ngayon, kailangan din ng dagdag proteksyon ng mga bata laban sa pabago-bagong panahon at dumaraming sakit. Bukod sa pagbibigay ng healthy snacks, bigyan sila ng dagdag proteksyon sa tulong ng ascorbic acid. Ang Vitamin C ay mahalaga sa pag boost ng immune system ng mga bata. Isama ang RiteMed Ascorbic Acid sa kanilang daily healthy regimen.
Ang pagiging malusog ay nagsisimula sa bahay. Sa dami ng mga snacks, siguraduhing healthy ang mga nakakain ng mga bata. Sanayin sila na kumain ng healthy food at uminom ng vitamin supplement.
Sources:
https://www.cooksmarts.com/articles/15-healthy-alternatives-to-junk-food/
https://panlasangpinoy.com/crispy-eggplant-fries/
https://www.rappler.com/life-and-style/health-and-wellness/junk-food-swaps-healthy-snacks-work