Stamina o Endurance: Ano ba ang kailangan ko?
September 9, 2021
Pagdating sa pag-eehersisyo, ang mga salitang "stamina" at "endurance" ay madalas na napagpapalit. Gayunpaman, mayroong ilang mga pagkakaiba sa pagitan nila.
What is stamina?
Ang stamina ay ang physical o mental ability ng isang tao na ma-sustain ang isang aktibidad sa loob ng ilang oras. Kapag sinabi nating stamina, ang tinutukoy natin ay ang pagiging masigla o energetic habang ginagawa ang isang aktibidad.
What is endurance?
Sa kabilang banda, ang endurance ay ang physical capability ng isang tao na ma-sustain ang isang ehersisyo sa loob ng mahabang oras. Binubuo ito ng dalawang bagay: cardiovascular endurance at muscular endurance.
Ang cardiovascular endurance ay ang kakayahan ng ating puso at baga na i-fuel ang ating katawan ng oxygen. Ang muscular endurance naman ay ang kakayahan ng ating mga kalamnan na gumana ng tuloy-tuloy ng hindi napapagod.
Para mas maintindihan pa natin ang pagkakaiba ng stamina at endurance, narito ang isang halimbawa:
Si Joy ay isang 35 taong gulang na babae na kasalukuyang hindi physically active. Madalas siyang nakakaramdam ng pagod at pinayuhan na siya ng kanyang doktor na magsimulang mag-ehersisyo. Dahil dito, sinimulan ni Joy ang isang 12-week walking program upang mapabuti ang kanyang fitness.
Pagkatapos ng 12 linggo:
- Si Joy ay may higit na lakas o energy sa buong araw at napansin niya na hindi siya ganoon kabilis mapagod (improved stamina).
- Humusay ang performance ni Joy pagdating sa 15-minute walk test kumpara noong sinimulan niya ang kanyang programa (improved endurance).
Mga Ehersisyo na Nagpapalakas ng Stamina at Endurance
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-middle-aged-couple-jogging-exercise-1461167783
Ang regular na pagsagawa ng aerobic exercises ay nagpapalakas ng puso at baga at nag-iimprove ng blood circulation, na maaaring makatulong sa pag-build ng iyong stamina at endurance. Ang mga aerobic exercises na ito ay ang mga gawain na nag-eelevate ng ating breathing at heart rate, tulad ng:
- Pagtakbo
- Pagsasayaw
- Paglangoy
- Pagbibisikleta
- Paglalaro ng tennis, basketball, at iba pang ball games
- Pagtaas at pagbaba sa hagdan
- Brisk walking
Gaano ba kadalas dapat mag-ehersisyo?
Ang pag-build ng iyong endurance at stamina ay makakatulong sa iyo na pagaanin ang pagsasagawa ng iba't ibang aktibidad sa araw-araw. Gayunpaman, kung nagsisimula ka pa lang maging physically active, huwag kang magmadali. Work your way up over time, ika nga. Bagaman kailangan mong i-push ang iyong sarili para ikaw maging mas malakas, at kailangan mo ring magpahinga. Ang pahinga ay isang mahalagang bahagi ng pag-exercise. Hinahayaan nito ang katawan na makabawi para sa susunod na pag-eehersisyo. Kapag hindi ka nakakakuha ng sapat na pahinga, maaari itong humantong sa poor performance at mga problema sa kalusugan.
Sa mga panahon na hindi mo maiwasan ang pananakit ng iyong katawan, uminom agad ng gamot para sa body pain para hindi na lumala ang iyong nararamdaman. Walang ibang mas nakakaalam ng iyong katawan kung hindi ikaw mismo. Pakiramdaman mo kung sobra na o kulang pa ang exercises na iyong ginagawa. Bagaman mahalaga ang pag-eehersisyo para lumakas ang iyong stamina at endurance, mas importante na gawin mo ito nang tama.
Sources:
https://www.healthdigest.com/328174/stamina-vs-endurance-whats-the-difference
https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000807.htm
https://www.healthline.com/health/exercise-fitness/endurance-vs-stamina