Tulungan tumangkad ang mga bata gamit itong mga health tips | RiteMED

Tulungan tumangkad ang mga bata gamit itong mga health tips

July 21, 2021

Tulungan tumangkad ang mga bata gamit itong mga health tips

Iba ang matangkad! Bilang Pilipino, madalas nating marinig ito lalo na kapag may mga bagay na hindi natin maabot. Natural na sa ating lahi ang pagiging mas maliit kumpara sa ibang nasyonalidad.

 

Ayon sa science, 60-80% ng taas ng isang tao ay nakabatay sa genetics. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang iyong anak ay maging kasing-tangkad mo o ng ibang miyembro ng iyong pamilya.

 

Bilang magulang, siguradong na-search mo na sa Internet ang “how to grow taller” para lang matulungan ang  iyong anak na makamit ang sagad na height na pwede sa kanya. Anu-ano nga ba ang mga pwedeng gawin upang siguraduhin ang child development at makamit ng bata ang kaniyang height potential?

 

Tulog

 

Ang katawan ay naglalabas ng growth hormone habang natutulog. Kapag ang bata ay palaging kulang sa tulog, napipigilan ang paglabas ng hormones na nakakatulong sa pagtangkad ng bata. Ayon sa Sleep Foundation, ang recommended hours of sleep per night ay nakadepende sa edad ng bata.

 

  • Newborn (0-3 months old) – 14-17 hours of sleep
  • Infant (4-11 months old) – 12-15 hours of sleep
  • Toddler (1-2 years old) – 11-14 hours of sleep
  • Preschool (3-5 years old) – 10-13 hours of sleep
  • School-age (6-13 years old) – 9-11 hours of sleep
  • Teen (14-17 years old) – 8-10 hours of sleep

 

Exercise

 

Mahalaga para sa physical development ng mga bata ang pag-eehersisyo. Nakatutulong ang regular exercise upang igalaw at ma-stretch ang bands ng cartilage at tendons sa braso at binti na nakakaapekto sa pagtangkad.

 

Limitahan ang oras nila sa mobile phone, video games, at computer para magkaroon sila ng oras sa mga physical na activities tulad ng hanging, stretching, swimming o kahit anong sports na pwede makatulong sa kanilang posture at pag promote ng growth hormones sa katawan.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/cute-boy-making-ok-gesture-while-208681399

 

Tamang Pagkain

 

Ang pinaka-importanteng aspeto upang tulungan makamit ang sagad na tangkad ng bata ay ang pagsanay sa kanila na kumain ng masustansyang pagkain. Magandang turuan sila na kumain ng gulay at prutas sa murang edad upang mapanatili ang balanced diet at maging malusog. Ang mga pagkaing mayaman sa protein, carbohydrates, at vitamins ay importante sa paglaki. Ang zinc na makukuha sa kalabasa, seeds, at peanuts, ay may malaking epekto sa growth. Iwasan din ang junk foods. 

 

Multivitamins at Chlorella Growth Factor

 

Upang siguraduhing nakukuha ng bata ang sapat na nutrisyon, makatutulong din na isama sa kanyang balanced diet ang food supplement tulad ng RiteMed Multivitamins+Chlorella Growth Factor (CGF) Syrup for kids. Isa sa mga napatunayang nakatutulong sa pagboost ng height ay ang Chlorella Growth Factor (CGF). Ang CGF ay gumagana bilang immunity booster, anti-oxidant, pag-ayos ng damaged tissue sa katawan, at pagbibigay ng dagdag na energy levels – mga bagay na kailangan ng mga aktibong bata.

 

 

Tulungan ang mga batang ma-achieve ang kanilang growth potential. Habang maaga, bigyan sila ng balanced diet at multivitamins para  magkaroon ng sapat na nutrisyon. Siguraduhing sapat ang kanilang pagtulog at hikayatin silang magkaroon ng regular na pag-eehersisyo.

 

 

 

Sources:

https://health.clevelandclinic.org/how-to-boost-your-kids-immunity-heading-into-the-new-school-year/

https://parenting.firstcry.com/articles/top-8-ways-to-increase-height-in-children/

https://www.fullyhousewifed.com/2016/09/03/nutri10-plus-benefits-cgf-kids/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/327514#what-factors-affect-height

https://sneakz.com/blogs/stories/three-tips-to-help-your-child-grow-taller

 

 

 



What do you think of this article?