Tamang Gabay Sa Covid-19 | RiteMED

Tamang Gabay Sa Covid-19

April 14, 2020

Tamang Gabay Sa Covid-19

Ano nga ba ang Covid-19?

 

Ang buong mundo ay humaharap sa pagsubok na dulot ng nakakahawang sakit na Covid-19. Ngunit ano nga ba talaga ang Covid-19 at saan ito nagsimula?

 

Bago ang lahat, dapat nating malaman na ang coronavirus ay malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng mga sakit sa mga tao at maging sa mga hayop. Ang nadiskubreng coronavirus na nagdudulot ng nakakahawang sakit na Covid-19 ay pinangalanang severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2). Ito ang pangalang napili para sa virus dahil ito ay may similaridad sa virus na nagdulot ng severe acute respiratory syndrome (SARS) na nagkaroon ng outbreak noong 2003. Ganunpaman, ang dalawang virus na ito ay magkaiba.

 

Nito lamang December 2019, nagkaroon ng unang outbreak ng Covid-19 sa Wuhan, China na di nagtagal ay kumalat na rin sa ibang mga bansa tulad na lamang ng Italy, Iran at South Korea. Pinaniniwalaang nagmula ang virus na nagdulot ng Covid-19 sa paniki at sa isa pang hayop at saka ito naipasa sa mga tao. Ang ilang public health officials ay naniniwala rin na nagmula ito sa palengke sa Wuhan, China kung saan maraming mga buhay na hayop ngunit hindi pa kinokumpirma ng World Health Organization kung saan talaga nagmula ang SARS-CoV-2.

 

undefined

 

Ano ang mga sintomas ng Covid-19?

 

Ang pinakamadalas na nararanasang Covid-19 symptoms ay ang pagkakaroon ng lagnat, pagkapagod at pagkakaroon ng dry cough o ubo na walang plema. Ang iba pang sintomas na maaaring maramdaman ay ang pagsakit ng katawan, pagkakaroon ng baradong ilong, pagsakit ng lalamunan at pagtatae.

 

Hindi madaling malaman kung ikaw ay may Covid-19 dahil kaparehas ng sintomas nito ang sintomas na nararamdaman kapag ikaw ay mayroong simpleng trangkaso. Kadalasan rin na hindi ganoon kalala at mabagal ang pagkakaroon ng sintomas ng taong mayroon nito.

 

Mayroon din namang mga Covid-19 cases kung saan asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ang taong carrier ng virus.

 

Sino ang mga dapat mag-ingat sa Covid-19?

 

Mayaman o mahirap, sikat o normal na tao, kahit sino ay maaaring tamaan ng Covid-19. Ganunpaman, mas dapat mag-ingat ang mga taong may mahihinang immune system tulad na lamang ng mga nakakatanda, mga mayroong problema sa kalusugan tulad na lamang ng mataas na high-blood pressure, problema sa puso o diabetes at iba pang malalang sakit.

 

Paano nga ba maaaring mahawa ng Covid-19?

 

Mataas ang tiyansang magkaroon din ng Covid-19 kapag nakasalamuha ang taong carrier ng SARS-CoV-2. Kapag ang taong may dala ng virus ay umubo, maaaring mahawa ang kasalamuha nito sa pamamagitan ng maliliit na patak ng laway o secretion mula sa bibig nito. Kapag ang maliliit na droplets na ito ay napunta sa mga bagay sa paligid ng infected person, maaaring kumalat ang virus kapag nahawakan ito ng ibang tao. Maaari ring mahawa ang isang tao kapag nalanghap niya ang maliliit na respiratory droplets na mula sa pagbahing o pag-ubo kaya naman importante ang tinatawag na social distancing o ang pagpapanatili ng at least 3 feet distance sa mga nakakahalubilong tao lalo na kung sila ay may sakit.

 

Ano nga ba ang gamot sa Covid-19?

 

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang kinukumpirmang gamot o vaccine ang World Health Organization laban sa Covid-19.

 

Ano ang dapat gawin kapag nakaranas ng sintomas ng Covid-19?

 

Kung ikaw ay nakakaranas ng sintomas ng Covid-19, kailangan mong gawin ang mga sumusunod:

 

  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

 

  • Ikaw ba ay mayroong nakasalamuha na mayroong Covid-19?
  • Ikaw ba ay nanggaling sa lugar o bansa na may mga kumpirmadong Covid-19 cases?

 

Kung oo ang iyong sagot sa parehas o kahit sa isang tanong lamang, kailangan mong sumailalim sa SARS-CoV-2 test para malaman kung ikaw ay positibo sa Covid-19. Para malaman kung saan maaaring makapagpa-test, tumawag muna sa DOH Hotline para makahingi ng sapat na payo at malaman kung ano ang dapat gawin at puntahang ospital.

 

Ang DOH Emergency Hotline na maaaring tawagan ay: 02-894-COVID o (02-894-26843).

 

Para naman sa PLDT, Smart, Sun and TNT subscribers, maaaring tawagan ang numerong: 1555

 

  1. Kung ikaw naman ay walang nakasalamuha na mayroong Covid-19 at walang kahit anong travel history, hindi kinakailangan na mag-panic. Dapat lamang gawin ang mga sumusunod:

 

  1. Mag self-quarantine at manatili sa loob ng bahay. Obserbahan ang sarili at ang mga nararamdamang sintomas. Gumamit ng mask at ihiwalay ang mga personal items tulad na lamang ng utensils at baso na ginagamit sa bahay. Panatilihin ang kalinisan at palaging mag-sanitize.
  2. Palakasin ang immune system. Ugaliing uminom ng Vitamin C tulad na lamang ng RiteMED Ascorbic Acid at RiteMED Sodium Ascorbate.

undefined

Maaari rin makakuha ng vitamin C sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at prutas.

 

  1. Uminom ng mga over-the-counter medicines para maibsan ang mga nararamdamang sintomas. Tandaan, komunsulta muna sa inyong doktor bago uminom ng gamot para makasigurado.

                       

undefined

 

undefined

 

undefined

 

  1. Kung hindi pa rin umaayos ang lagay at mas lalong lumala ang mga nararamdaman, maaaring komunsulta sa iyong doktor para mabigyan ng angkop na payo. Maaari ring tumawag sa DOH Hotline 2-894-COVID o (02-894-26843) para sa mga dapat gawin bago magpa-konsulta sa ospital.

 

Tamang Alaga para makaiwas sa Covid-19

 

Hindi biro ang pagkakaroon ng Covid-19 dahil maliban sa iyong sarili, maaari kang makahawa at makapahamak ng mga taong nasa paligid. Ganunpaman, maraming paraan upang maiwasan ang sakit na ito tulad na lamang ng mga sumusunod:

 

  1. Pagsunod sa Enhanced Community Quarantine at huwag lumabas ng bahay kung hindi kailangan. Kung kinakailangan talagang lumabas, sundin ang social distancing para hindi maiwasan ang pagkalat ng virus.
  2. Gumamit ng face mask para hindi ka makahawa ng ibang tao kapag ikaw ay may sakit.
  3. Palakasin ang katawan. Kumain ng masusustansiyang prutas at gulay tulad na lamang ng Brocolli, Papaya, Orange at Lemon.

undefined

  1. Uminom ng Vitamins lalo na ng Vitamin C para tulungang mapalakas ang resistensya laban sa mga nakakahawang sakit. Maaaring uminom ng RiteMED Ascorbic Acid at RiteMED Sodium Ascorbate.
  2. Higit sa lahat, ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Siguraduhing gumamit ng sabon sa loob ng 20 seconds para siguradong mawala ang virus sa kamay. Hindi kailangang germicidal soap ang gamitin, kahit anong sabon ay maaaring gamitin para mapanatili ang personal hygiene. Maaari ring gumamit ng alcohol kung ikaw ay lumabas sa bahay. 
  3. Magkaroon din ng sapat na tulog para hindi bumagsak ang immune system. Mag-relax at bawasan ang stress at sundin lamang ang mga payo ng mga totoong eksperto sa medisina.

 

Hangga’t tulong tulong ang bawat isa sa atin para sundin ang mga payo ng doktor, malalagpasan din nating mga Pilipino ang pagsubok na ito.

 

References:



What do you think of this article?