Mga Pagkaing Panghandaang Dapat Iwasan Kung May Diabetes | RiteMED

Mga Pagkaing Panghandaang Dapat Iwasan Kung May Diabetes

December 22, 2017

Mga Pagkaing Panghandaang Dapat Iwasan Kung May Diabetes

Panahon na naman ng kapaskuhan, ibig sabihin ay kabi-kabila na naman ang mga handaan. Lechon, fruit salad, cakes- iyan ang mga pangkaraniwang pagkain na ihinahain sa hapag kainan ng mga Pilipino kada kapaskuhan. Natural nang masarap at malasa ang lutuin ng mga Pilipino, kaya naman sobrang nakakatakam ang mga ito. Ang sikreto ng mga lutuing Pilipino na lalong nagpapasarap sa mga putahe ay ang mantika o taba.

Kung mapapansin, hindi kumpleto ang Noche Buena at Media Noche kapag walang nakahaing putahe na gawa sa baboy. Hindi naman dapat itong ikabahala ng sinumang mayroong kondisyon sa katawan gaya na lamang ng diabetes. Hindi naman ibig sabihin nito ay dapat nang tuluyang iwasan ang mga pagkain na ito. Ngunit, makabubuti pa rin ang pagiging aware sa mga pagkaing panghandaang dapat iwasan kapag may diabetes. Narito ang ilan sa mga ito. Alamin:

  1. Mamantikang Pagkain
    Gaya nga ng nabanggit, pangunahing kalaban ng mga may diabetes ang matataba o mamamantikang pagkain. Ayon sa isang pag-aaral ng NHS, ang matatabang pagkain ay maaaring maka-trigger ng diabetes. Ganunpaman, maaari pa rin namang ma-enjoy ng mga kapamilyang dumaranas ng diabetes ang tinatawag na ‘star ng pasko’, ang hamon. Pinakamabuting gawin sa sitwasyon na ito ay ang paglimita sa kinokonsumong karne at matatabang pagkain. Isang trick para mabawasan ang craving sa mamantikang pagkain ay ang regular na pag-inom ng tubig habang kumakain. Mabisa ito upang magkaroon ng sense ng kabusugan.

  2. Maaalat na Pagkain
    Isa rin itong signature na panlasa ng mga pagkaing Pilipino. Mahilig maglagay ng pampalasa sa mga putahe ang mga Pinoy. Kadalasan ay asin, ngunit minsan ay napapasobra tayo sa pampalasang gamit ang toyo o patis na ginagawa ding sawsawan ng iba. Ganunpaman, pareho ang epekto ng mga ito sa kalusugan. Pare-pareho silang mayroong masamang epekto sa katawan kapag nasobrahan.
    Napag-alaman ng pag-aaaral ng Health.com na ang diet na may mataas na salt ay maaaring madoble ang tsansa ng pagkakaroon ng heart attack o stroke sa taong mayroong type-2 diabetes. Dagdag pa ng Japanese report, mas lalong tumataas ang risk sa mga mayroong type-2 diabetes ngunit hindi nabibigyan ng pansin.
    Ngayong kapaskuhan, makabubuti kung humanap na lamang ng mga alternatibong pagkain sa mga nakasanayan ng salty food. Imbes na kumain ng french fries, bakit hindi subukan ang gumawa ng sariling kamote chips, o di naman kaya ay boiled banana. Kapag nasa handaan naman ay maaaring iwasan ang paglalagay ng toyo o patis.

  3. Matatamis na pagkain

undefined


Marahil ay isa na ito sa mga pinakamahirap na iwasang pagkain ngayong holiday season. Hindi kumpleto ang handaan kapag walang desserts gaya na lamang ng cake, ice cream, buko salad, leche flan, mango float at kung anu-ano pa!
Ngunit ang pagkaing may mataas na sugar level ang pinakamalaking kalaban ng mga kondisyon na diabetes. Manatiling masaya ngayong holiday season dahil hindi naman ibig sabihin ng pagkakaroon ng diabetes ay hindi na rin kayo maaaring kumain ng desserts. Sa katunayan pa nga, ayon sa Diabetic Living Online, pwede naman ang high-glucose desserts sa mga may diabetes ngunit sa mga piling panahon lamang. Kung kakaugaliin ang pagkain nito ay siguradong makakasama ito sa katawan ngunit ang minsanan ay pwede naman.

Ibig sabihin nito ay maaari pa ring ma-enjoy ng mga taong may diabetes ang kanilang mga paboritong putahe kapag may handaan. 
Lagi lamang tatandaan na hindi dapat lubusang iwasan ang mga pagkaing maaaring makasama sa mga may diabetes. Ang tamang regulasyon ng kinakain ang mahalagang laging isaisip.

SOURCES:

  • http://www.joslin.org/info/5-common-food-myths-for-people-with-diabetes.html

  • https://www.nhs.uk/news/diabetes/fatty-food-trigger-for-diabetes/

  • http://www.joybauer.com/photo-gallery/worst-foods-for-diabetes/fruit-juice/

  • https://www.rd.com/food/recipes-cooking/10-diabetic-desserts/



What do you think of this article?