Mga Common na Sakit sa Tiyan | RiteMED

Mga Common na Sakit sa Tiyan

April 23, 2021

Mga Common na Sakit sa Tiyan

Karaniwan man ang pananakit ng tiyan, hindi ito dapat ipagsawalang-bahala. May iba’t ibang uri at mga sanhi ang stomach pain, at importanteng alamin ang mga ito para mabigyan ng tamang lunas at maiwasan. Narito ang lima sa common digestive disorders o sakit ng tiyan na maaaring maranasan:

 

 

  1. GERD

 

Ang GERD o gastroesophageal reflux disease ay isang kondisyon kung saan ang laman ng tiyan ay hindi pumupunta sa tiyan (reflux) at bumabalik sa esophagus, ang tube na nagkokonekta sa throat at stomach. Dahil dito, nakakaranas ng acid reflux na nakakairita at nakakasira ng likod ng lalamunan. Ilan sa mga reflux symptoms ang mga sumusunod:

 

  • Pananakit ng dibdib;
  • Heartburn;
  • Nausea or vomiting;
  • Pagiging hirap sa paglunok;
  • Pamamaos;
  • Pananakit ng lalamunan; at
  • Pag-ubo.

 

 

Karaniwan din ang pregnancy acid reflux dahil sa dahan-dahan ang pagtulak ng esophagus muscles sa pagkain papunta sa tiyan. Bagama’t nakakatulong ito para mas maraming oras sa pag-absorb ng nutrients para sa sanggol, nakakapagsanhi ito ng heartburn para sa ina.

 

Sumailalim sa healthy GERD diet kung madalas nakakaranas ng mga sintomas nito. Bawasan ang pagkonsumo ng matatabang pagkain, caffeine, at alcohol. Sabayan ito ng healthy weight maintenance, regular na ehersisyo, at pag-iwas sa paninigarilyo.

 

Kung kailangan nang gamutin, maaaring magpareseta ng RM Ranitidine para maibsan ang mga sintomas.

 

 

  1. Constipation

 

Ang constipation pain ay nararanasan kapag mas mababa sa tatlong beses sa isang linggo kung dumumi. Maaaring dala ito ng hindi gaanong pag-inom ng tubig, low fiber diet, kakulangan sa exercise, o pagbubuntis. Sinasamahan ito ng pagiging hirap sa pagdumi, paglabas ng maliliit at matitigas na dumi, at sa ibang kaso, pagdudugo ng labasan ng dumi dahil sa sobrang pag-ire.

 

Para sa constipation relief, dagdagan ang pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa fiber gaya ng prutas at gulay, uminom ng maraming tubig, at dagdagan ang physical activity nang sa gayon ay maging regular ang bowel movement.

 

Mayroon ding RM Bisacodyl para mapadali ang pagdumi at RM Fibermate na makakapagpa-regular ng pagdumi. Inumin lamang ang mga ito depende sa payo ng inyong doktor.

 

 

  1. Chronic Diarrhea

 

Kilala ang diarrhea bilang pananakit sa tiyan na nagdudulot ng labis at malambot na pagdumi. Kapag chronic na ito ay tumatagal nang mahigit apat na linggo. Pwedeng dala ito ng lactose intolerance o pagiging sensitibo ng tiyan sa dairy products, diabetes, amoebiasis, o food poisoning. Posible ring maging sanhi nito ang biglang pagbabago ng diet.

 

Para makaiwas sa mga sintomas nito, umiwas sa pag-inom ng alak at mga inuming may caffeine. Makakatulong din ang low fiber diet at maya’t mayang pag-inom ng tubig para makaiwas sa dehydration.

 

Maaaring uminom ng dalawang capsule ng RM Loperamide at sundan ito ng isa pang capsule matapos ang kada pagdumi para guminhawa.

 

 

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/bowl-homemade-granola-yogurt-fresh-berries-521309626

 

 

 

 

  1. IBS

 

Irritable bowel syndrome ang tawag sa pananakit ng tiyan na napagkakamalang diarrhea o constipation. Matapos dumumi ng pasyente, agad na ring nawawala ang stomach ache. Walang tiyak na sanhi ang IBS sa bawat nakakaranas nito. Posibleng may gastrointestinal infection o kaya naman ay food poisoning. Ang stress at anxiety ay tinitingnan din bilang triggers nito.

 

Para sa IBS pain management, umiwas sa dairy products at mga pritong pagkain. Magsama naman sa diet ng mga putaheng may ginger at uminom ng mga natural na tsaa.

 

 

  1. Stomach Flu

 

Kilala rin bilang gastroenteritis, ito ay isang infection sa tiyan at sa small intestine. Sinasamahan ito ng mga sintomas gaya ng diarrhea, pagsusuka, at cramps. Ito ay dala ng rotavirus at norovirus na umaatake sa tiyan at nakakaapekto sa gut health. Bagama’t kadalasan ay kusang nawawala ang stomach flu, makakatulong pa rin ang pag-inom ng tubig at mga inuming may electrolytes gaya ng sports drinks.

 

 

If symptoms persist, consult your doctor

 

Sources:

 

https://www.healthgrades.com/right-care/digestive-health/10-common-digestive-disorders

https://www.mountelizabeth.com.sg/healthplus/article/common-digestive-problems

https://www.healthline.com/health/gerd/pregnancy-2#:~:text=Pregnancy%20increases%20your%20risk%20of,can%20also%20result%20in%20heartburn



What do you think of this article?