Inuubo At Work? Epekto ng Ubo o Sipon sa Ating Trabaho
April 23, 2021
Hindi lahat ng empleyado ay mayroong tinatawag na Sick Leave na pwedeng gamitin tuwing nagkakasakit. Dahil sa iba’t ibang employment status, doble-ingat ng mga manggagawa mula sa pagkakasakit.
May ilang mga karaniwang dahilan kung bakit pumapasok pa rin sa trabaho ang ilan kahit may sakit na kagaya ng ubo at sipon:
- No work, no pay (walang sahod para sa araw na absent dahil sa pagkakasakit);
- Walang kapalitan sa trabaho o problema sa scheduling at manpower ng kumpanya;
- Hindi gaanong masama ang pakiramdam ng empleyado at kaya pang magtrabaho;
- Hindi pinayagang um-absent ang empleyado;
- Takot na mapagalitan ng boss;
- Dami ng workload na kailangang tapusin para sa araw na sana ay hindi papasok; at
- Ayaw magkaroon ng marking absent sa trabaho kahit kinakailangan.
Ang pag-file ng leave sa work ay kinakailangan para makapagpahinga at makapagpagaling mula sa ubo at sipon ang empleyado. Bukod dito, tinitingnan ito bilang respeto sa iba pang mga kasama sa opisina o trabaho, isang paraan para hindi makahawa ng sakit.
Sa panahon ngayon ng pandemic, kasama sa mga kilalang COVID symptoms ang ubo at sipon. Kaya naman, may mga protocol na sinusunod ang establishments at employers para hindi kumalat ang virus sa ibang tao at kanilang mga pamilya.
Kasama na rito ang pag-fill out ng health declaration forms kung saan ang iba’t ibang sintomas at travel history ay kailangang ilagay. Mayroon ding sanitation o disinfection booths at stations para mapanatiling virus-free ang isang lugar.
Ano ang mga posibleng mangyari kapag pumasok pa rin sa trabaho kahit nakakaranas ng ubo at sipon?
Hindi biro ngayon ang pagkakaroon ng mga nasabing kondisyon dahil na rin sa threat ng COVID-19. Ngunit kahit wala ang pandemic na kinakaharap ngayon, narito ang mga epekto ng hindi pagliban sa trabaho:
- Pagkahawa at pagkakasakit ng ibang empleyado o mga makakasalamuha sa daan, sa commute, at iba pang lugar;
- Pagbaba ng productivity dahil sa pananamlay at discomfort na dala ng sakit;
- Pagiging sanhi ng distraction para sa ibang mga katrabaho;
- Posibilidad na lalo pang magtagal ang sakit dahil hindi naipapahinga ang katawan; at
- Reklamo mula sa ibang empleyado o sa mismong management ng kumpanya.
Image from: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-businesswoman-sick-sneezing-office-she-1681107568
Anu-ano ang mga pwedeng gawin kapag may ubo at sipon pero gusto pa ring pumasok?
- Kung walang Sick Leave o tuwirang bayad sa araw ng pag-absent, itanong kung option ba ang work from home habang may sakit. Ang work from home setup ay para sa mga trabahong office-based. Kung hindi pwede ang ganito sa inyong trabaho, maaaring itanong sa management kung posible ang pakikipagpalit ng schedule sa iba pang empleyado. Sa ganitong paraan, mababawi ang sahod na nawala sa mga araw na a-absent, maiiwasan ang pagkahawa ng ibang tao, at magkakaroon ng mabilis na recovery.
- Ipaalam sa inyong direct supervisor ang inyong sitwasyon. Maging bukas din sa kung anuman ang magiging desisyon ng inyong employer tungkol sa pag-absent dahil sa sakit. Siguraduhing ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit kinakailangan ang pagliban.
- Humingi ng doctor’s certificate o medical certificate bilang katunayan na ikaw ay fit to work pa rin sa kabila ng mga nararamdamang sintomas. Hindi ito inirerekomenda sa panahon ngayon ng pandemic dahil sa araw-araw na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Marami mang pwedeng maibigay na dahilan para pumasok pa rin sa kabila ng sakit, gaya ng pera pangkain ng pamilya at iba pang pangangailangan, marami ring mga dapat bigyang-atensyon bago mag-report sa trabaho kapag masama ang pakiramdam. Siguraduhing may abiso ang inyong doktor na hindi dala ng iba pang sakit o komplikasyon ang inyong mga sintomas para sa kaligtasan ng lahat.
Sources:
https://www.parkerpoe.com/news/2020/03/how-to-manage-employees-who-appear-sick-but