Gastroparesis 101: Sanhi, Sintomas, at Lunas
April 23, 2021
Ang gastroparesis ay isang kondisyon na nakakaapekto sa normal na paggalaw ng muscles sa ating tiyan. Kapag tayo ay kumakain, may nangyayaring muscular contractions na nagpapadala ng pagkain papunta sa digestive tract. Bumabagal ang ganitong paggalaw kapag may gastroparesis, dahilan para hindi maubos ang laman ng tiyan. Tingnan natin kung ano ang mga sanhi nito, sintomas, lunas, at mga paraan para maagapan ito.
Causes of Gastroparesis
Sa ngayon ay wala pang natutukoy na tiyak na sanhi ng gastroparesis. Kadalasan, ang diagnosis ay nanggagaling sa damage sa vagus nerve na siyang nagkokontrol ng stomach muscles at ng contractions ng mga ito. Dahil dito, nananatili ang pagkain sa tiyan at hindi bumababa sa small intestine para ma-digest ng katawan.
Napag-alaman din sa mga pag-aaral na isang komplikasyon ang gastroparesis diabetes. Narito pa ang ilan sa mga nakakapagpataas ng risk sa pagkakaroon ng ganitong sakit:
- Komplikasyon mula sa surgery sa esophagus o abdomen;
- Viral infection;
- Labis na pag-inom ng narcotic pain medications;
- Pagkakaroon ng scleroderma o sakit sa connective tissues;
- Mga sakit sa nervous system gaya ng Parkinson’s disease at multiple sclerosis; o
- Hypothyroidism.
Gastroparesis Symptoms
Hindi lahat ay nagkakaroon ng kapansin-pansing senyales ng kondisyong ito. Ilan sa mga sintomas ng gastroparesis ang mga sumusunod:
- Nausea or vomiting;
- Bloating;
- Pananakit ng tiyan;
- Pakiramdam ng pagkabusog kahit kaunti pa lang ang kinakain;
- Pagsuka[1] dahil hindi pa natutunawan;
- Acid reflux;
- Pagbabago sa blood sugar levels; at
- Biglaang pagbaba ng timbang.
Gastroparesis Diet
Bukod sa pagpili ng kakainin, kailangan ding bantayang mabuti kung gaano kadalas at gaano karami ang kinakain kapag may gastroparesis. Narito ang ilan sa mga makakatulong na tips para sa paggawa ng healthy meal plan:
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/healthy-breakfast-fresh-granola-muesli-yogurt-1042484581
- Magsama sa diet ng cereals, bread, crackers, at ground meat. Para sa mga gulay at prutas, maaaring isalang sa blender ang mga ito pagkahugas o pagkaluto.
- Panatilihing hydrated ang katawan sa pag-inom ng tubig, natural juices, tsaa, at milk products (kung walang lactose intolerance).
- Umiwas sa mga pagkaing matataas sa fats dahil matagal itong mananatili sa tiyan dahil sa gastroparesis.
- Magkaroon ng low fiber diet. Ilan sa mga pagkaing pwedeng isama ay ang mga apple, orange, coconut, green beans, lettuce, nuts, at seeds.
- Sa halip ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, kumain ng small, frequent meals para mabigyan ng sapat na oras ang tiyan sa pagpapababa ng kinain sa small intestine.
Gastroparesis Treatment
Bukod sa pagbabago sa diet, ang mga sumusunod ang ilan sa mga hakbang na pwedeng subukan para sa tamang management ng gastroparesis:
- Gamot para sa gastroparesis – May RM Domperidone na posibleng ireseta ng doktor para maibsan ang pagsusuka at nausea na dala ng gastroparesis diabetes. Nakaka-stimulate din ito ng stomach muscles para maging normal ang contractions at makababa ang kinain sa small intestine.
- Surgery – Sa mga mas malalang kaso, ang gastroparesis ay nagdadala ng food at liquid intolerance. Sa ganitong pagkakataon, lalagyan ng feeding tube ang pasyente sa small intestine para mapunan pa rin ang pangangailangan ng katawan galing sa pagkain. Mayroon din namang feeding tubes na papadaanin sa ilong o bibig papunta sa small intestine. Madalas itong ginagamit para sa gastroparesis na komplikasyon ng diabetes.
- Pagbabago ng lifestyle – Gaya ng sa ibang sakit, kinakailangan pa rin ang well-balanced lifestyle para mapagtagumpayan ang gastroparesis. Samahan ng healthy diet ng regular na ehersisyo at pag-iwas sa masamang bisyo para sa mabilis na recovery.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastroparesis/symptoms-causes/syc-20355787
https://aboutgastroparesis.org/treatments/dietary-lifestyle-measures/basic-dietary-guidelines/