Hypertension sa Pilipinas
August 18, 2021
Isa ang hypertension o high blood pressure sa mga common health concerns ng mga Pilipino. Sa makatuwid, ang hypertension death rate sa Pilipinas ay tumaas mula 11 percent noong 1990 hanggang 21 percent noong 2017. Sa parehas na period, ang hypertension-related abilities naman ay naging 11 percent, mula 4 percent.
Sa buong mundo, ang hypertension ay ang nangungunang preventable cause of premature deaths, na nakakaapekto sa humigit kumulang 1.13 billion na tao noong 2015. Ito rin ang naging dahilan sa 7.5 million deaths bawat taon. Hypertension din ang nangungunang risk factor para sa mga kritikal na sakit tulad ng stroke at heart disease.
Para maiwasan ang mga malalang sakit na dulot ng hypertension, alamin ang tungkol sa health condition na ito at ang ilang health tips para maiwasan ang pagtaas ng blood pressure.
What is hypertension
Sa bawat pagtibok at pagpahinga ng puso, ito ay naglalabas ng pwersa para itulak ang dugo sa arteries patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang pwersang ito ay nagdudulot ng pressure na tinatawag na blood pressure. Ang pagkakaroon ng mataas kaysa normal na blood pressure ay tinatawag na hypertension.
Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 120/80. Pag tumaas sa normal ang blood pressure, ikaw ay maaaring mayroong at-risk sa hypertension (pre-hypertension) o mataas ang blood pressure:
Normal
Mababa sa 120 mmHg – Systolic; Mababa sa 80 mmHg - Diastolic
At-risk (pre-hypertension)
120-139 mmHg – Systolic; 80-89 mmHg - Diastolic
Mataas
140 mmHg pataas – Systolic; 90 mmHg pataas - Diastolic
Alamin ang symptoms ng high blood pressure
Pag tumaas sa normal ang blood pressure, maaari itong magdulot ng mga symptoms of hypertension tulad ng matinding sakit ng ulo, pagdurugo ng ilong, fatigue, problem sa paningin, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, irregular heartbeat, dugo sa ihi, pagkahilo, pagpapawis, blood spots sa mata at facial flushing o pamumula sa mukha.
Kapag nakaranas ka ng hypertension symptoms, kumunsulta agad sa iyong doktor para mabigyan ka ng wastong medication at treatment.
Ugaliin ang pag-check ng blood pressure
Mahalagang magkaroon ng blood pressure monitor sa inyong bahay. Kung ikaw ay may normal na blood pressure (mas mababa sa 120/80), ugaliing mag check ng blood pressure kahit isang beses sa isang taon. Kung ikaw ay may elevated blood pressure (systolic blood pressure na 120-129 at diastolic blood pressure na mas mababa sa 80), magpacheck ng blood pressure every 3-6 months. Kung ikaw ay may Hypertension Stage 1 (130-139 over 89-90) o Hypertension Stage 2 (140/90 or higher), irerekomenda ng iyong doktor ang mas regular na blood pressure monitoring.
Iwasan ang ilang mga unhealthy habits na nakakapagdulot ng pagtaas ng blood pressure
Walang saktong sagot ang Siyensya tungkol sa exact cause of hypertension. Ngunit may ilang mga factors ang nakakaapekto sa blood pressure ng tao na maaaring mauwi sa mga hypertension symptoms. Ang mga ito ay paninigarilyo, pagiging overweight o obese, kawalan ng physical activities, sobrang asin sa mga kinakain, sobrang pag inom ng alcoholic beverages, stress, genetics at mga sakit tulad ng chronic kidney disease, adrenal disorders at thyroid disorders.
Ang iba sa mga factors na ito ay hindi na mababago. Ngunit ang karamihan sa mga ito ay bahagi ng unhealthy lifestyle na maaaring baguhin. Para maiwasan ang pagtaas ng blood pressure, mahalaga na itigil ang mga unhealthy habits tulad ng paninigarilyo, pag inom ng labis at pagkakaroon ng sedentary lifestyle.
Maging consistent sa iyong hypertension medication and treatment
Mahalaga rin sa high blood pressure management ang tamang pagsunod sa instruction ng iyong doktor sa. Ang mga sumusunod ay mga medisinang maaaring ibigay sa iyo:
- Alpha blockers;
- Angiotensin II receptor blockers gaya ng losartan;
- Angiotensin-converting enzyme inhibitors gaya ng captopril;
- Beta blockers gaya ng atenolol;
- Calcium channel blockers gaya ng amlopidine besilate at felodipine;
- Diuretics o water pills gaya ng losarite; at
- Renin inhibitors.
Depende sa antas ng iyong blood pressure, maaari ring magbigay ang iyong doktor ng combination medication. Huwag mag self-medicate para sa iyong hypertension. Mahalaga na inirekomenda ng eksperto tulad ng cardiologist ang iinumin mong gamot upang masiguro na angkop ang lunas para sa iyong specific condition at sintomas.
Ang iyong healthy lifestyle ang isa sa pinakamabisang panlaban panlaban sa hypertension. Kayang kayang iwasan ang pagkakaroon ng high blood pressure sa pamamagitan ng pag iwas sa mga unhealthy habits, regular blood pressure monitoring at wastong medication o treatment.
Sources: