Pag-unawa sa Adult-Onset Asthma: Mga Dahilan at Paggamot | RiteMED

Pag-unawa sa Adult-Onset Asthma: Mga Dahilan at Paggamot

August 15, 2023

Pag-unawa sa Adult-Onset Asthma: Mga Dahilan at Paggamot

Kapag ang mga sintomas ng asthma ay lumitaw at naidiagnose sa mga matatanda na higit sa 20 taong gulang, ito ay karaniwang tinatawag na adult-onset asthma. Humigit-kumulang kalahati ng mga matatandang may asthma ay mayroon ding mga allergy. Ang adult-onset asthma ay maaaring sanhi rin ng karaniwang mga irritant sa trabaho (tinatawag na occupational asthma) o sa tahanan, at ang mga sintomas ng asthma ay bigla na lamang dumadating. (1)

 

Ano ang dahilan ng Adult Onset Asthma?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-wearing-face-mask-coughing-1373873060

Hindi tiyak ng mga doktor kung bakit nagkakaroon ng asthma ang ilang mga matatanda, ngunit may ilang mga salik, tulad ng exposure sa mga kemikal o irritants sa trabaho, na maaaring magdulot ng adult-onset asthma.

Ayon sa American Lung Association (ALA), 1 sa 6 na kaso ng adult-onset asthma ay dulot ng mga exposure sa trabaho. Tinatawag na asthmagens ang mga sangkap na nagiging sanhi ng mga sintomas ng asthma. Isa pang posibleng dahilan ay ang mga allergy. Ang mga allergy ay nagiging sanhi ng hindi bababa sa 30% ng mga kaso ng adult asthma. Iba't ibang mga allergen ang maaaring mag-trigger ng mga sintomas ng asthma sa mga matatanda. Ilan sa mga karaniwang allergen ay usok ng sigarilyo,  ilang mga kemikal, alikabok, pollen at molds. (2)

Pagkakaiba ng Child at Adult Onset Asthma

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-beautiful-female-blue-cloth-hold-1022784133

Ang childhood at adult asthma ay may ilang mga pagkakatulad, tulad ng mga sintomas at pamantayang paggamot, ngunit mayroon ding mga pagkakaiba.

Ang kalubhaan ng mga sintomas ay maaaring mag-iba sa mga bata at matatanda. Ang asthma na lumalabas sa pagkabata ay karaniwang may mga sintomas na dumadating at lumilisan. Sa adult-onset asthma, mas malamang na ang mga sintomas ay maging matagal at hindi gaanong makontrol nang maayos. Ang mga matatanda na nagkakaroon ng asthma ay maaaring magkaroon ng mas mabilis na pagbaba ng kanilang lung function kumpara sa mga bata.

Mas mataas din ang panganib ng kamatayan dahil sa asthma sa mga matatanda kaysa sa mga bata. Noong 2019, 3,524 na tao ang namatay dahil sa asthma. Halos lahat ng mga taong ito ay higit sa 18 taong gulang.

Hindi malinaw kung bakit mas mataas ang rate ng mga kamatayan na may kaugnayan sa asthma sa mga matatanda. Maaaring ito ay dahil ang mga sintomas ay madalas na hindi makontrol nang maayos kumpara sa mga bata o dahil sa pagkaantala sa pagka-diagnose. (2)

 

Mga Sintomas ng Adult-Onset Asthma

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/high-angle-view-shot-asian-woman-1821914192

Ang mga sintomas ng adult-onset asthma ay pareho sa iba pang mga uri ng asthma. Gayunpaman, sa mga bata, ang mga sintomas ay nawawala at bumabalik, samantalang sa mga matatanda, ang mga sintomas ay maaaring tuloy tuloy.

Narito ang ilang mga sintomas ng adult-onset asthma:

  • Tuyong ubo, lalo na sa gabi, kapag nag-eexercise, o habang tumatawa
  • Wheezing o tunog na parang sumisipol habang humihinga nang palabas
  • Hirap sa paghinga
  • Kakapusan sa paghinga, lalo na pagkatapos ng mabigat na gawain
  • Pagkakaroon ng kirot, bigat, o pagsisikip ng dibdib
  • Sipon na mas matagal kaysa sa karaniwan (10 araw o higit pa) (3)

 

Paano Nada-diagnose ang Adult-Onset Asthma?

Ang iyong doktor sa asthma ay maaaring magdiagnose ng adult-onset asthma sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pagkuha ng medical history, pagtatanong tungkol sa mga sintomas, at pakikinig sa iyong paghinga.
  • Pagsasagawa ng lung function test gamit ang isang aparato na tinatawag na spirometer, upang malaman kung gaano karaming hangin ang kayang palabasin pagkatapos ng malalim na paghinga at kung gaano kabilis mo mailalabas ang hangin mula sa iyong mga baga. Maaari kang pagamitin ng bronchodilator (gamot na nagpaparelaks at nagpapabukas ng daanan ng hangin)
  • Pagsasagawa ng methacholine challenge test; maaaring isagawa ang pagsusulit na ito kung hindi malinaw sa mga sintomas at spirometry test kung may asthma ka talaga. Sa pagsusulit na ito,padami nang padami ang nilalanghap na methacholine aerosol mist bago at pagkatapos ng spirometry. Masasabing positibo ang methacholine test at may asthma ka kung ang lung function ay bumaba ng 20% o higit pa. Palaging ibinibigay ang isang bronchodilator sa dulo ng test upang baligtarin ang mga epekto ng methacholine. (1)

 

Paggamot ng Adult Onset Asthma

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-using-blue-asthma-inhaler-2040586199

 

Ang Adult-Onset Asthma ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay at mga gamot. Ang bawat pasyente ay may sari-sariling treatment plan. Sa paggamot, kailangang isaalang-alang na mas maraming iba pang sakit ang posibleng mayroon ang mga matatanda kaysa sa mga bata.

Ang pangkalahatang plano ng paggamot ay karaniwan nang kasama ang mga sumusunod:

 

Bronchodilators

Karaniwan, kasama sa paggamot ng iba't ibang uri ng asthma ang mga bronchodilators. May dalawang klase ng bronchodilators: ang pangmatagalang epekto (long-acting) at ang mabilisang epekto (fast-acting). Ang dalawang klase ng bronchodilators na ito ay may mahalagang papel sa pamamahala ng asthma.

Ang fast-acting o bronchodilators na may mabilisang epekto, tulad ng albuterol, ay nagpaparelaks ng mga muscles sa daanan ng hangin. Sa pagpaparelaks, lumuluwag ang daanan ng hangin, kaya't mas madali kang makahinga. Ibinibigay ang fast-acting na bronchodilators sa pamamagitan ng inhaler o nebulizer. Tinutulungan ng gamot na ito na maibsan ang biglaang mga sintomas, gaya ng kakapusan ng paghinga.

Ang mga long-acting bronchodilators ay maaari ring gamitin sa pagkontrol ng asthma. Nagpaparelaks din ang mga ito ng daanan ng hangin, subalit mas matagal ang kanilang epekto kaysa sa mga fast-acting inhalers inhalers. Sa halip na panggamot sa biglaang mga sintomas, ginagamit nila ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sintomas.

 

Corticosteroids

Sa ilang mga pagkakataon, maaari ring gamitin ang inhalers na naglalaman ng corticosteroids upang gamutin ang adult-onset asthma. Binabawasan ng mga steroids ang pamamaga sa daanan ng hangin. Hindi naman ito para sa biglang mga sintomas. Sa halip, pinipigilan ng gamot na ito ang pagkakaroon ng mga sintomas. Sa ibang mga kaso, kasama rin sa paggamot ang mga oral steroids. Gayunpaman, maaaring makaapekto ito sa level ng blood sugar. Maaari ring lumala ang ibang mga kondisyon na mayroon na ang matatanda, tulad ng glaucoma at osteoporosis.

 

Paghinto sa paninigarilyo

Isa sa pinakamahalagang dahilan na nakakaapekto sa kalubhaan ng sakit ay ang paninigarilyo. Sa isang pag-aaral noong 2014, tiningnan ang mga bagay na nakakaapekto sa kalubhaan ng asthma sa 200 adult na may bago pa lang adult-onset asthma. Pagkatapos ng dalawang taon, tiningnan ng mga mananaliksik ang mga pagbabago sa kalubhaan ng asthma gamit ang Global Initiative for Asthma Score. Napansin nila na ang paninigarilyo ay nagtala ng mas malalang sintomas. (2)

Mahalagang mapanatili ang kalusugan ng ating mga baga at respiratory system. Kung ikaw ay may nararamdamang mga sintomas ng adult onset asthma, huwag kalimutang kumunsulta agad sa isang doktor. Ang agarang pagkilala at paggamot sa kondisyong ito ay makakatulong hindi lamang sa pag-alis ng mga sintomas kundi pati na rin sa pag-iwas sa posibleng mga komplikasyon. Sa pamamagitan ng tamang pagsusuri at pangangalaga, maaari nating tiyakin ang mas magandang kalusugan at kalidad ng buhay.

 

References:

  1. https://www.facebook.com/WebMD. (2022, August 22). Adult-Onset Asthma. WebMD. https://www.webmd.com/asthma/adult-onset-asthma
  2. ‌Cattamanchi, A. (2023, May 23). Adult-onset asthma: Causes, symptoms, treatments, and management. Www.medicalnewstoday.com. https://www.medicalnewstoday.com/articles/325302#causes
  3. Hayes, K. (2021). Adult-Onset Asthma: Symptoms, Diagnosis, and Treatment. Verywell Health. https://www.verywellhealth.com/adult-onset-asthma-5082136


What do you think of this article?