Ang asthma o hika ay isang kondisyon na nakakaapekto sa daanan ng hangin sa respiratory system ng isang tao. Isang uri nito ay ang bronchial asthma na nagdudulot ng kakapusan ng hininga (shortness of breath). Bukod sa pagiging abala sa araw-araw na pamumuhay, sanhi rin ang asthma ng madalas na pagpunta sa emergency rooms kung hindi nagagamot ng tama.
Sakit At Sintomas
ASTHMA:Pagkakapos ng Hininga
VIEW MEDICINESAno ang asthma?
Ano ang mga sintomas ng asthma?
Ang mga sumusunod ay ang mga pangkaraniwang sintomas ng bronchial asthma:
-
Kakapusan ng hininga (Shortness of Breath)
-
Pag-aagahas (Wheezing)
-
Paninikip ng dibdib
-
Pag-ubo
Bukod sa mga sintomas na nakasaad sa itaas, nauugnay din ang asthma sa ibang kondisyon tulad ng rhinosinusitis.
Ano ang mga sanhi ng asthma?
Ang mga sanhi na nagdudulot ng pamamaga ay ang mga sumusunod:
-
Surot (Dust Mites)
-
Mga mabalahibong hayop
-
Pollens
-
Viral/Bacterial infections
-
Ipis
-
Amag (mold)
Ang mga sumusunod naman ay ang mga sanhi ng asthma na nagpapalala ng pamamaga o nagdudulot ng asthma attacks:
-
Matinding polusyon/usok
-
Kemikal at mga bagay na may matinding amoy (gaya ng pabango, ammonia, etc.)
-
Mga sangkap na dinadagdag sa pagkain
-
Malamig na hangin
-
Mga gawaing pisikal (ehersisyo, pagbuhat ng mabigat, etc.)
-
Matitinding emosyon
Ang pagiging asthmatic naman ay maaaring dulot ng kombinasyon ng mga sanhing nakalista sa taas. Bukod dito, may mga iba pang sanhi na nauugnay sa pagiging asthmatic ng isang tao, tulad ng mga sumusunod:
-
Genetic
-
Medical conditions (eczema, urticarial, hay fever, etc.)
- Mga gamot (aspirin, ibuprofen, etc.)
Ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay merong asthma?
Wala ring nag-iisang pagsusuri ang nakakapagbigay ng tiyak na kasagutan kung ang tao ay mayroong asthma, maliban nalang sa pagsasagawa ng spirometry o ang pagsukat sa kakayahan ng baga sa paghinga. Bukod sa pagsusuri ng asthma, ginagamit din ang spirometry para sa ibang kondisyon na nakakaapekto sa paghinga gaya ng chronic obstructive pulmonary disease.
Para naman sa mga batang may asthma na hindi pa maaaring sumailalim sa spirometry, kadalasang binabantayan ng isang doktor ang iba’t-ibang palatandaan ng asthma sa matagal na panahon, gaya na lamang ng kakapusan ng hininga, pag-ubo, at pag-aagahas.
Paano ginagamot ang asthma?
Tandaan na ang asthma ay nakamamatay na kondisyon, lalo na kapag ang isang malubhang asthma attack ay hindi agad naagapan. Ang pinakamahalagang gamot sa asthma ay mga steroids at mga anti-inflammatory drugs. Bagamat hindi tuluyang nagagamot ang asthma, maaaring mapigilan ang mga sintomas at ang paglala nito.
Pero tandaan na hindi nito pinipigilan ang asthma attack. Pinapayuhan ang mga pasyente na gumamit ng inhalers bilang pangunahing rescue medication. Ang paggamit ng inhaled steroids ay ibinibigay para maalis ang pamamaga sa tubo ng baga.
Paano maiiwasan ang asthma?
Kung ikaw ay asthmatic, tandaan na maraming paraan para maiwasan ang asthma at ang paglala nito. Ang unang pamamaraan ay ang pag-iwas sa mga sanhi ng asthma tulad ng matinding usok, malamig na hangin, at mga bagay na may malakas na amoy. Makakatulong ang pagsusuri ng doktor upang matiyak ang mga sanhing nakakaapekto sa iyo tulad ng mga allergies. Bukod sa pag-iwas, importante rin ang malakas na pangangatawan na nakakamit sa wastong pagkain.