Tamang Pag-aalaga sa May Tourette’s Syndrome | RiteMED

Tamang Pag-aalaga sa May Tourette’s Syndrome

April 6, 2018

Tamang Pag-aalaga sa May Tourette’s Syndrome

Hindi madaling magkaroon ng Tourette syndrome dahil sa mga biglaang kilos at salita na hindi nakokontrol. Upang maalagaan nang wasto ang taong mayroon nito, kailangan ang iyong lubos na pag-unawa sa kanyang mga pangangailangan. Bukod sa pahirap na dala ng kondisyon, tandaan na maaaring mapababa din nito ang kumpiyansa ng pasyente sa sarili dahil sa mga hindi mapigilang kilos at maaari rin itong maging sanhi ng depression.

Bago gumawa ng mga paraan sa pag-aalaga sa pasyente, importanteng alamin muna ang ilang detalye tungkol sa Tourette’s.

 

Tourette syndrome meaning

Ang Tourette syndrome ay isang neurological disorder kung saan hindi mapigilan o makontrol ang pagkilos o paggawa ng tunog gamit ang boses, na tinatawag na tics. Karaniwang nagsisimula ang nasabing karamdaman sa edad na 6 hanggang 9 na taon.

Ayon sa mga eksperto, ang Tourettes ay maaaring mamana sa pamilya. Mas mataas din ang bilang ng kalalakihan na mayroon nito. Bukod dito, sinasabing ang Tourettes ay may koneksyon sa ilang psychological kondisyon tulad ng ADHD (attention-deficit/hyperactivity disorder), OCD (obsessive compulsive disorder), learning disabilities, depression, at autism spectrum disorder. Gayun din ang problema sa pagtulog at headache.

 

Tourette syndrome symptoms

undefined

Photo from Unsplash

 

Ang mga sintomas ng Tourettes ay maaaring hindi mapansin dahil biglaang nagaganap at nawawala ang mga hindi makontrol na kilos. Subalit kung ang pasyente ay may dalang malakas na emosyon tulad ng sobrang pagkatuwa o pagod, nagiging halata ang mga sinasabing tics. Dahil dito, naapektuhan ang social life at trabaho ng pasyente at nagiging dahilan upang sila ay mahiya o mapahiya ng ibang tao.

Motor tics (mga biglaang kilos):

  • Pagkurap
  • Pag-iling
  • Pagkikibit ng balikat
  • Paninigas ng tiyan
  • Biglaang galaw ng mga braso at kamay


Hindi limitado sa mga nakatalang kilos ang maaaring gawin ng pasyente. Minsan ang mga ito ay nasa anyo ng paghipo, pagtuktok, pagtalon, pag-squat, at iba pa.

Vocal tics (mga biglaang tunog):

  • Pagsinghot
  • Pag-ubo
  • Pagdura
  • Pag-ungol
  • Pag-alis ng harang sa lalamunan
  • Pag-snort
  • Paggaya sa tunog ng mga hayop
  • Squeaking
  • Pagsigaw
  • Pagmumura

 

Ang mga tunog na ginagawa ng pasyente ay walang kahulugan na sigaw. Hindi lang talaga niya makontrol ang kaniyang mga kilos kaya mahalaga ang lubos na pag-intindi sa kaniyang kondisyon.

 

Mga stratehiya upang matulungan ang may Tourettes syndrome

undefined

Photo from Unsplash

Ang pagtanggap sa kalagayan ng isang indibidwal na may Tourette syndrome ang kailangan matutunan ng mga kamag-anak at kaibigan. Nakakatulong ito upang matanggap rin ng taong may Tourette ang kanyang kalagayan. Lakas ng isip ang kailangan upang mapigilan niya ang urge na gawin ang mga kilos na tila hindi makontrol hanggang sa mawala ang tics. 

Ikonsulta sa eksperto ang kalagayan ng kamag-anak na may Tourette upang mabigyan ng tamang reseta at pag-aalaga. Nakakatulong rin ang pagsali sa mga support groups upang makapagbahagi at makipagpalitan ng inpormasyon tungkol sa mga karanasan ng taong may ganitong kondisyon.

Narito ang ilan pang karagdagang tips:

  • Maging aktibo o mag-concentrate sa paggawa ng mga bagay gamit ang kamay
  • Lagyan ng plaster ang daliri o kamay kung hindi mapigilan ang tapping o pagkatok
  • Piliting idahan-dahan ang pagkurap ng mga mata
  • Mag-exercise regularly upang ma-stretch ang muscles
  • Para sa may mga mouth tics, kumonsulta sa dentista
  • Ipaalam sa mga tao ang kondisyon upang makaunawa sa pinagdadaanan
  • Iwasang ma-stress
  • Magpamasahe o mag-hot bath para sa mga pagod at masakit na muscles
  • Magbigay ng sapat na space kung ang tao ay hirap makontrol ang pagsipa, paghampas, o pagdura.

Tandaan, huwag ikahiya o ipahiya ang taong may Tourettes. Importanteng mapagtibay ang kanilang kumpyansa at tiwala sa sarili upang malabanan nila ang kondisyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Tourette Syndrome Association, ang kauna-unahang non-profit organization sa bansa na tumutulong sa mga taong may Tourretes.



What do you think of this article?