Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa ng dugo ay maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso, stroke at sakit sa bato kaya dapat panatiliin ang normal blood pressure.
Ang altapresyon ay may tatlong yugto:
-
Prehypertension - Ang presyon ay bahagyang lampas sa blood pressure normal. Hindi pa kailangan ng gamot sa blood pressure pero rinerekomenda na ng mga doktor ang mag-adjust sa healthy lifestyle.
-
Stage 1 Hypertension - Mataas na ang sukat ng presyon at kailangan na ng gamot na nagpapababa nito.
Stage 2 Hypertension - Lubhang mataas na ang sukat ng presyon at maaari itong tumuloy sa komplikasyon. Kinakailangan dito ang kombinasyon ng mga gamot at pagbabago sa pamumuhay.